Eto na!!! Dito na magkakaalaman ng lakas! Hmm.. Pano to?
Hindi ko kasi talaga matanggap ang nangyari kahapon. Ako? Kasama ng mabahong kabute na yun ang magiging leader? Wala na bang mas eepic pa sa buhay ko?
Nakakainis naman e! Dapat sa ibang grupo nalang siya.. O Kaya magpalipat nalang ako? -.- tsk! Great!!! kasama pala sa lintek na rules ang bawal paglipat ng grupo.. Isang malaking NO CHOICE na talaga!!!
"hoy ms. Clumsy galaw galaw wag mong gamitin yang katangahan mo ngayong umaga pwede?" Pesteng tong panget na to inuumpisahan na naman ako Kay aga pa??? Grrr!!!!
"Hoy pwede wag kang munang epal? I don't entertain beast now" Sabi ko.
"Hahaha! You really are something Ms. Clumsy lets see kung hanggang saan ang tapang mo. Have you heard na ang unang gagawin ay archery? I bet you don't know how?" Nagsmirk sya sabay kuha ng pana sa tabi at sinampolan ako.
Alam ko nalang puro yabang lang tong isang to--------
Shettt!!!!!
Bull's eye!!!
Sakto ang pagkakapana nya!!!
O.o
=.= noooooo!!!
"Oh? Bilib ka no? Hahahaha! Sa tatanga tangang tulad mo alam Kong di mo Kaya!!" Pagmamayabang nya..
"Oyan! Gawin mo! Tingnan natin" tsk??? Inabot nya sakin ang pana.. Pagkasabi nya ulit..
"Whatever! I won't do that. Bakit kita susundin?" Pagpapalusot ko.
"Cuz I'm your leader!" Sabi nya na parang wala lang..
"Excuse me baka nakakalimutan mo. Leader din ako" sagot ko sa kanya..
"Assistant ka lang! Wag kang mag-assume. Pwede ba gawin mo nalang?" Sabi nya na bakas ang pagkairita sa mukha.
"Assistant? Ang kapal mo ha! Sino may sabi? At ayoko nga e! Bakit mo ba ko pinipilit? Kung gusto mo pumana ka magisa wag ka ng mandamay" sagot ko sa sobrang irita ko na sa kanya.
"Oo assistant ka lang cuz your not my level. Bakit ba ayaw mo? Di ka marunong no?? Hahahaha!!! Ang bilis mo namang paslangin" sabi nya ulit na iknainit ng ulo ko.. Yung boiling point ko naguumapaw na...
"Eh kung unahin na kita? Tutal Kaya naman kitang paslangin agad e! Ihihipnotize lang kita para patayin sarili mo Edi tapos ang problem ko! Tsaka ito bang panang to ang pinagmamalaki mo? Madali lang to." Sigaw ko sa kanya na ikinabigla nya..
Hawak ko na ang pana.. Yung pwesto ko at pagkakahawak ay parang isang demi na marunong talagang gumamit ng sandatong to...
Huminga muna ako ng malalim. Tiningnan Kong mabuti ang target.. Pumikit ako at.. Narinig ko ang tinig sa isipan ng lalaking to
Jandel's mind: hindi nya magagawa yan.. Hindi siya marunong... Wala... Hindi nya Kaya. Bwhahahahaha!!!
Buwisit na tooooo!!! Talagang in-underestimate nya ko pati sa isipan nya ah...
Minulat ko ang Mata ko.. Binitawan ko ang palaso.. At...
Isang tinig mula sa isip ng babae ang narinig ko.. Sa isip ni..
Cattyline's mind: Mali siya ng bitaw! May taong matatamaan.
Pagkasabi nya noon sa isipan nya ay agad agad niyang hinila ang palaso sa nakasabit sa likuran nya at pinana ang palasong binitawan ko at parang slow motion sa paningin namin ni Mr. Judgmental ang nangyayari.. Pagkuwan ay sumakto ang pana ko mismo sa target kasama ng palaso ng babaeng may kulay brown na buhok na si Cattyline. Napakagaling nya.
