Typo errors are a lot.
Chapter 10
"Bakit kaya ang tahimik na ng fraternity ngayon?"
"Hmm?" Inaayos na ni Vannie ang mga gamit niya para sa seminar na aattendan niya mamaya sa isang hotel. Siya kasi ang napili ng university para umattend sa isang business seminar na para sa mga estudyante na gustong maging milyonaryo na bata pa.
Kasama na naman niya ngayon si Kate sa council room. Naabutan niya kasi ito doon kasama ang iba pa nilang miyembro sa council.
"Kasi ate, tignan mo," Talagang nilapitan pa siya nito para lang makausap, "Si Samuel, nagbackout sa SSG president position, tapos nitong mga araw, wala akong naririnig na may ginawang gulo ang fraternity niya. Ano kayang nangyari? Nauntog kaya ang mga ulo nila at narealize na rin nila kung gaano sila kasama?" Anito na tila nag-iisip pa. Napailing na lang si Vannie sa sinasabi nito.
Oo, nitong mga araw, naging tahimik nga ang university nila. Ni wala siyang narinig na may binugbog na namang estudyante ang fraternity. Although she saw some frat members roaming around the university, wala naman itong ginagawang masama sa mga estudyante. She had also to admit that Max Peter Magallenes, another member of the fraternity, was always looking at her fiercely. Parang feeling niya, ilang minuto, susugurin siya nito. But he didn't.
"I feel ikaw ang may kagagawan nito ate," Kate exclaimed, "I mean, oo masama sila. Saka I hate them to the core sa kababuyan na ginawa nila sa kin," Alam niyang hindi pa rin nito makalimutan ang ginawa ng fraternity dito, "And I really owe you, ate. Ate, wala bang silang ginawang masama sayo?" Kate asked her worriedly.
Vannie gave her a smile of assurance, "Wala, wala silang ginawa sa kin, Kate. Don't worry."
Kate returned her a smile too, "Thank God. Talagang ipinagmisa pa talaga kita Ate. Kala ko kasi may nangyari ng masama sayo. But.." Kumunot pa ang noo nito, "Anong meron sa blazer ate? Bakit na kay Samuel Ignacio ang blazer mo?" Panunudyo nito.
"H-Ha?"
"I smell something fishy," Talagang nanunukso pa ito, "Bigla kasi siyang bumait, though hindi visible pero I think bumait siya. Wala kasing ginagawang kaguluhan ang fraternity niya nitong mga araw."
"W-Wala, wala yun," Ano bang idadahilan niya rito? Hindi naman pwedeng sabihin niya rito na nasa pad siya 'nung lalake, inaalagaan ito dahil nalasing ito.
Nakataas pa rin ang kilay nito sa kanya.
Vannie just laughed forcefully, "Kate, wala lang yun. I mean, may binisita kasi akong kaibigan sa isang condominium at nagkataon na kaibigan niya yung kaibigan ko.. so yeah, naiwan ko nga 'dun sa pad niya ang blazer ko." She reasoned out. She hopes Kate would buy it.
"Hmm, bigla kasing naging tahimik siya at nag-iba ang ugali." Vannie felt relieved when Kate diverted the topic, "Naisip ko nga na hindi na yun magbabago na habang buhay, masama talaga ang ugali 'nun."
"Maybe.. Maybe he wasn't that bad, Kate. Baka may pinagdadaanan lang yung tao." Vanessa suddenly said. Siguro nga. May pinagdadaanan ito kaya ganun ang ugali.
Somehow, she felt Samuel still has a heart. Noong nasa coffee shop nga sila ng kapatid niyang si Lawrence. Samuel didn't hurt her brother. Parang nababasa nito ang isip niya na huwag saktan ang kapatid niya—for calling him gay. But Samuel countered it with a worst answer though.
"Ikaw ate, isusumbong kita kay Papa!" Sabi naman ni Lawrence sa kanya habang siya ay nakatulala pa rin matapos sabihin ni Samuel sa kanila na nagsex silang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Club (Finished)
Teen Fiction(Finished) A fraternity headed by a ruthless Samuel Ignacio Rivera III. A story about a club on how they meet their downfall. A club for filthy, rich, ruthless and rotten group of young men. Messing with them will be dangerous.