TRUE STORY #14 (from: @PerksOfAdreamer)

4.2K 90 4
                                    

Amoy ng Kandila at Sampaguita


@PerksOfAdreamer's POV


Hi! I just want to share my first ever kababalaghan experience.


I was 5 years old at that time. Gabi na nun. Mga around 6 or 7 PM. Nagdecide ako na puntahan yung bestfriend ko sa bahay nila. Magkatapat lang yung house namin na napapagitnaan ng daan kaya naman agad akong pinahintulutan ni Mama. Pagdating ko dun, natutulog na yung bestfriend ko sa sofa nila tapos yung dalawa niya namang ate na sina Ate Em-em at Ate Maymay e naka-upo sa isa pang sofa habang nanunood ng TV. Yung kasambahay naman po nila, nasa kusina at naghuhugas ng mga pinagkainan nila.


"Oh, Ya, gisingin mo nalang si Momo." Sabi ng oldest ate ng bestfriend kong si Momo, si Ate Em-em.


"Wag nalang po Ate. Makikinuod nalang po ako." Sagot ko kay Ate Em-em at tsaka umupo na sa tabi nila ni Ate Maymay.


Minutes after that, may naamoy kami bigla. Amoy usok. Ako nun, no reaction pero si Ate Em-em at si Ate Maymay, nagtatanungan sa isa't isa.


"Naaamoy mo ba yun?" Ate Em-em.


"Oo. Baka may nagsisiga lang sa labas." Ate Maymay.


"Anong nagsisiga? Diba bawal na yun kasi madaming bahay dito? Tsaka hindi naman amoy usok ng siga naaamoy natin e. Amoy kandila." Sagot ni Ate Em-em na agad na binatukan ni Ate Maymay.


"Huwag ka ngang manakot!" Ate Maymay.


At that time, wala talaga akong ka-alam alam kung ano ang pinagsasabi nila Ate Em-em at Ate Maymay. Nakatingin lang ako sa mga mukha nila na parang takot na takot.


"Aya, wala yun. Manuod ka nalang diyan ha?" Mayamaya ay sabi ni Ate Em-em sa akin nung mapansin niyang nakikinig ako sa kanila kaya nagkibit balikat nalang ako nun at nagpatuloy na sa panunuod ng TV. Sakto naman na gumalaw na si Momo at maya maya pa ay nagising kaya agad ko siyang tinabihan at kinulit na maglaro na kahit na pupungas-pungas pa siya.


Palabas na sana kami nun sa sala at papunta na sa kwarto ni Momo nang may bigla na naman kaming naamoy. Amoy sampaguita. Medyo strong yung amoy ng sampaguita nun na parang pinalibutan talaga yung buong sala. Sa kakatwang nangyayari sa loob ng bahay na yun ay agad akong napatingin kina Ate Em-em at Ate Maymay. Mababakas na talaga yung takot sa kanilang dalawa kaya natakot na din kaming dalawa ni Momo kaya naman hindi na namin ipinagpatuloy ang paglalaro ay nagsiksikan nalang sa isang sofa kung saan naka-upo si Ate Em-em at Ate Maymay.


After ilang minuto nun, unti unti nang nawawala yung amoy kasabay naman nun ang biglang pagsulpot ng kasambahay nila Momo sa harap namin. Basa pa ang mga kamay nito na may mga bula pa. Nakatayo lang siya sa harap namin at hindi mapakali.


"Oh Te, anong nangyari sa'yo?" Tanong agad ni Ate Em-em sa kasambahay nila. Sumagot naman ang kasambahay nila.


"Naghuhugas ako ng pinggan nung may bigla akong napansin na ilaw na lumulutang sa gilid ng mata ko. Hindi ko iyon pinansin dahil akala ko, yung ilaw lang yun ng kapitbahay na pumasok sa kusina. Pero ilang segundo na, hindi pa rin nawawala tapos parang lumulutang papunta sa'kin yung ilaw kaya nilingon ko na iyon. Yung ilaw, g-galing pala sa isang kandila na hawak hawak ng Lola mo."


Nung una, akala ko wala lang. Na nantitrip lang si Lola pero nung marinig ko ang naging sagot ni Ate Maymay ay doon na ako sumigaw at nagsimulang umiyak.


"Nagpakita ang kaluluwa ni Lola? Kaya pala nag-amoy kandila at sampaguita kanina."


Pinakalma naman agad ako nila Ate Em-em at Ate Maymay pati na ni Momo pagkatapos ay sinamahan na umuwi sa bahay. Simula nun ay hindi na ulit ako nagawi sa bahay nila Momo hanggang ngayon.


At yun ang naging unang kababalaghan experience ko.


Salamat po!



_END_


Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon