You Are My Eyes

26 2 0
                                    


Binigyan niya ako ng Pag-asang mabuhay muli.

Pinakita niya sa akin ulit ang ganda at liwanag ng mundo.

Siya ang Mata ko ang nag-pakita sa akin kung paano mag mahal o kung ano ba talaga ang pagmamahal.

- If you truly love that person, you are willing to sacrifice...

----*

Nandito ako ngayon sa bahay ng bestfriend kong si Kevin at nag papatulong sa mga assignments ko. Ang hirap kasi lalo na itong Math. Ipahanap ba naman si x, kitang wala na nga kaming communication ipapahanap pa sakin tsk galit kaya ako dun. Anyway pagkatapos ko sa mga assignments ko, nanood na lang ako ng tv sa sala nila Kevin.

Nagulat naman ako nung tinawag ako ni Kevin. "Hoy Chloe! Di' ka paba uuwi? Gabi na baka hina-hanap ka na ng mama mo." Oo nga sobrang dilim narin pala sa labas hindi ko manlang napansin.

Sinimulan ko ng ligpitin yung mga gamit ko sa lamesa. "Oo na po. Ayusin ko lang tong mga gamit ko." Sobrang bait talaga nitong bestfriend kong ito. Siya nga pala si Kevin ang bestfriend ko simula ng pinanganak ako at hanggang ngayon.

3rd year high school na ako at si Kevin naman is 4th year high school na. Ang suwerte ko nga kasi naging bestfriend ko itong si Kevin. Ang tali-talino, mabait, mapagmahal at lahat ng magandang katangian na makikita mo sa isang tao nasa kanya na.

"Ui Chloe! Kanina pa kita tinatawag, naka tulala ka diyan."

"Ay! Sorry Kevin, may iniisip lang ako. Tara na hatid mo nako sa amin."

"Sige halika na, akin na yang bag mo ako na mag bibit-bit." Kinuha niya sa akin yung bag ko tapos lumabas narin kami sa bahay nila.

"Kevin tignan mo oh! Ang ganda nung mga stars." Turo ko dun sa mga stars sa kalangitan.

"Oo nga ang gaganda nila." Sabi niya habang naka-tingin sa taas at pinag mamasdan ang mga bituin sa langit. Nakita kong ngumiti si Kevin.

"Kasing ganda ng mga mata mo Kevin.." Tumingin ako sa mga mata ni Kevin na naka tingin sa akin. Ang mala bituin niyang mga mata na kumikislap-kislap kapag naka titig sayo. Ang kulay ashgray niyang mga mata, sana ganoon rin kaganda ang mga mata ko. Ang sarap niyang tignan para akong nahihipnotismo.

"Sus, binola mo pa ako Chloe. Oh andito na tayo sa inyo, sige mauna na ako at ikamusta mo na lang ako kay tita at tito."

"Sige ingat ka Kevin, Salamat sa pagtulong sa akin sa mga assignments ko." Sabi ko kay Kevin at pumasok narin ako sa bahay namin.

Pagkapasok ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog.

--

"Good morning Keviiiin!!" Pag salubong ko kay Kevin. Sabay kasi kaming na pasok sa school, tutal mag kalapit lang naman kami ng bahay. Ilang bahay lang ang pagitan.

"Morning din Chloe. Ang hyper mo na naman ata ngayon?"

"Wala maganda lang talaga ang gising ko." Naka ngiting tugon ko sa kanya.

Nang makarating kami sa school, hinatid na ako ni Kevin sa classroom ko. "Sige Kevin, salamat. Mamaya nga pala yung usapan naten na mag movie marathon tayo sa inyo."

"Oo alam ko. Sige na malate pa ako neto." Naglakad na siya palayo at pumasok narin ako sa classroom namin.
.
.
.
"Criiiiingg... Criiiiing.." *tunog ng school bell. XD

You Are My EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon