Chapter 22: Needles

757 46 2
                                    


Chapter 22: Needles

Inis na naisubsob ko ang mukha ko sa unan at sinabayan ko pa ng pagpadyak ng dalawa kong mga paa.

Ugh! C'mon, Cindy! Focus! You need to focus! Ilang ulit ko na itong sinasabi sa sarili ko but I just couldn't. I was miserably failing.

At dahil dito, hindi ko maiwasang makaramdam ng inis sa sarili ko. I was very much aware that I could not afford to get distracted at this time and yet! Ugh! Sa halip kasi na ang focus ko ay nasa pagre-review para sa nalalapit na midterm examination ay heto ako, balisa at lumilipad ang utak.

Paulit-ulit na binabalikan ng isip ko ang nangyari sa rooftop ng lumang CBS Building. Hindi ko iyon magawang kalimutan at ipagpasawalang bahala na lamang.

Lampas dalawang linggo na ang lumipas since that confrontation between me and Nile happened at mula noon ay hindi ko na ulit siya nakita. He stopped pursuing me. No more showing out of nowhere. No more flowers. No more teddy bear. No more phone calls. Just like that, he disaappeared from my life.

Alam ko na dapat ay maging masaya ako dahil sa wakas ay tinantanan na niya ako ng tuluyan. Afterall, it was what I asked him to do. Pero kabaligtaran ang nararamdaman ko. Hindi ako masaya at binanagabag ako ng konsyensya ko.

Aminado ako na may mga nasabi akong hindi magagandang bagay. Sumobra ako sa panlalait sa pagkatao niya. In the first place hindi ko siya dapat nilait Ang kinahantungan tuloy ay na-ooffend ko siya, ginalit at sinaktan.

Your words sting. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi niyang ito kaya habang patagal nang patagal ay palala ng palala ang pag-usig ng konsyensya ko sa akin. I could not shook of the d*mn guilt feeling. I just couldn't!

"Hoy, Cindy! Anong problema mo?" Narinig kong tanong ni Hazel.

Napatigil ako sa pagpadyak at nag-angat ako ng mukha. Today's a Sunday kaya pareho kaming walang pasok sa eskwelahan at day off din namin sa coffeeshop.

Kanina ay nagpaalam siya na lalabas para bumili ng mga materials para sa ginagawa niyang school project. Hindi ko namalayan na nakabalik na siya kaya nahuli niya ako sa akto na nawawala na sa katinuan.

"Uhm... Naiinis lang ako kasi hindi ako makapag-focus sa pagre-review. Walang kahit ano na pumapasok sa isip ko," buntong hininga ko.

"Pahinga ka muna kaya? Masyado mo kasing pine-pressure ang sarili mo sa pag-aaral. Sige ka, baka mabaliw ka niyan. Take a break muna tutal malapit na ang oras ng hapunan," she suggested.

I shook my head and I sat up. Inipon ko ang mga reviewer ko sa ibabaw ng higaan ko. "Hindi pwede, Hazel. Ang dami-dami pa ng mga ito," patungkol ko sa mga papel na kailangan kong pag-aralan at isaulo. "Alam mo naman na scholar ako at may kailangan akong i-maintain na grades."

She shrugged her shoulders. "Bahala ka. In case na mabaliw ka ay isusugod ka na lang namin sa mental hospital."

"Mabuti pa, magpa-reserve ka na ng kwarto sa mental dahil pakiramdam ko malapit na."

Tumawa siya. "Sa suite or ward?"

Napatawa ako at bumalik sa pagbabasa.

"Labas ulit ako. Bibili lang ako ng hapunan sa karinderya. Gusto mo bang magpabili?" Maya-maya ay saad ni Hazel

Napakunot ang noo ko bago ako tumingin sa orasan sa dingding. My eyes widened nang makita ko na mag-aalasiyete na nang gabi. I sighed again, pagkatapos ay kumuha ako ng dalawang tigbente at inabot iyon kay Hazel.
"Kahit ano na lang ang bilhin mo para sa akin," saad ko. I don't think na makakain ako ng magana sa estado ko ngayon.

The Story of Us (Cinderella's Panty)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon