Bakit ba Besfren lang?

50 0 0
                                    

                                                                             --Chapter 1--

           Maraming tao ang umaasa at patuloy na umaasa.. Umaasang mamahalin din sila ng taong gusto nila, Yung tipong mutual yung feeling, yung wala ng dapat i explain kung bakit ganito, ganyan.. Sitwasyon na madali, kasi nga gusto nyo yung isat isa. Eh papano naman kung isa lang ang nagmamahal? Isa lang yung naninindigan? Isa lang yung lumalaban? Samantalang ang isa naman ay wala lang.. walang pakielam sa ginagawa mo, ni appreciation eh wala kang natatangap. Masakit diba? tagos sa puso at laman. Totoong mahirap pag puso na ang nagsalita at nagdikta, walang gamot o remedyo kung paano ito kontrolin, sa ayaw at gusto mo ay dadalhin ka neto sa taong sinisigaw nito. Hayy totoong mahirap talaga malagay sa sitwasyon na ganito, di ko alam kung paano ko tutulungan ang sarili ko at ano ang kong dapat gawin, Ang tanging alam ko lang sa ngayon ay may minamahal ako, yun nga lang di ako sigurado kung ganoon din siya sa akin. Pero ganun pa man, masaya naman ako eh, hayaan niyo pong kwento ko sa inyo kung bakit at kung paano po nagsimula ang lahat ng ito.

THROWBACK COLLEGE

          Isang napakagandang araw ang sumalubong sa akin sapagkat ito ang unang araw ko sa kolehiyo. Nakapa espesyal ng araw na ito kasi sa wakas ay nasa kolehiyo na rin ako at natutupad ko na ang isa sa mga pangarap ko. Ako po si Ashley, isang simpleng babae, maraming pangarap, ma dispusisyon at maraming paninindigan sa buhay, BS Architecture ang kinukuha ko sa isa sa mga prominenteng unibersidad dito sa Maynila, taga probinsya po ako, pero nagsikap akong makapag aral sa Maynila kasi yun talaga ang gusto ko, at alam ko na maraming opurtunidad dito kaya naman kahit mahirap ang buhay ay nagsumikap ako upang makapag aral talaga dito, somehow dreams do come true talaga. Pero syempre bilang isang babae nga ako at NO BOYFRIEND SINCE BIRTH (NBSP) Opo, totoo po! Nag eexist pa po kami, ang daming nagtatanong bakit ba wala pa rin akong boyfriend hanngang ngayon. Wala bang nanliligaw sayo?.. mga kamag anak ko po at mga kaibigan ko ang laging nagtatanong ng mga ganyan. Uhmm sabi ko naman, darating ako dun at darating din siya! Haha naniniwala kasi ako sa fairy tale, sa prince charming at sa night in shining armor, medyo old school pero yun po ako eh. Malakas ang paniniwala ko na mahahanap ko ang lalaking pangarap ko hindi kasi ako nagmamadali at isa pa bata pa ako.

          Maganda ako! Confident ako ng maganda ako, wala akong pakielam na kahit bukod sa nanay ko ay ako lamang ang naniniwala na maganda ako, totoo po maganda talaga ako. Haha Imagine nalang this.. Anne Curtis at Angel Locsin ang level.. (Pagbigyan niyo na po ako ha?) Maraming nagsasabi na maraming gwapo sa Maynila kaya isa rin yun sa mga dahilan kung bakit doon ko gusto mag-aral. Baka naman kasi doon ko makita ang ang lalaking gusto at pangarap ko, baka lang naman. Pero aasa ako. 

        First day of school, usually laging may kaba, takot pero excited. Excited to meet new friends, try other things and explore new world. Since nga laking probinsya ako ay talagang culture shock ako sa environment at sa mga tao na rin, medyo nahirapan talaga ako nung una kasi nga wala akong kilala. Pero since easy going din ako at easy to deal with madali naman akong nakasabay. At eto na papasok na po ako sa classroom, Strangers lahat, ibat ibang personality ang nandun, unang tingin palang at sa pag oobserve na din ay nababasa ko agad ang mga kaklase ko, merong mga mayayaman, maldita, mayabang, mahinhin, social climbers at mga bully.. Expect ko na to, at handa ako.. normal na sitwasyon na rin ito at hindi talaga mawawala yang mga yan. Yun nga lang di ko lang alam kung ano classification ko sa class, Siguro ako yung maganda? haha marami naman magaganda eh, pero unique ako, naniniwala ako dun, sabi ko nga po diba malakas po ang paniniwala ko sa sarili. Pero syempre sakin nalang yung label na yun, di ko naman pwede sabihin at ipag sigawan na maganda ako, gusto niyong nasabunutan ako ng di oras.

        Syempre, first day of school ay getting to know each other, personal background, Ano name mo? taga san ka? School you came from? Parang Slam book lang. Pero masaya, kakaibang experience. Excited na nga ako to hang out with them during spare times. I met Angie, Joana and Carla sila yung naging kasama ko lagi, naging barkada, study buddy at naging mga bestfrieds ko during my college days.

         Gosh! eto na yung teacher namin, He looks nice pero bading sayang nga eh ang gwapo pa man din ni Mr. Sanchez. Uhmm Malalaman niyo mamaya kung ano naging parte ni Mr, Sanchez sa story ko. Abangan niyo nalang. Pero for the mean time itutuloy ko muna, oh yun edi nagpakilala kami one by one, tell something about yourself and other things, at doon ko nakilala ng lubusan ang mga kaklase ko. At noong ako na ang nagpakilala, syempre papatalo ba ako! haha ilalabas ko ang aura ng beauty ko.Kinakabahan ako, di ako confident magsalita, natatakot po talaga ako, peros salamat tapos na ako magpakilala. So far sa lahat ng nagsalit na boys, wala pang gwapo, wala akong crush.. Diba normal sa atin na first day of school ay may hangaan ka agad? Ganun din po ako, inaaabangan ko yung pinaka gwapo. hehe

      Last but not the least. last chair sa dulo, lalaki, weird nya, medyo silent type, pero noong tumayo at nakita kong lubusan ang kanyan mukha. Grabee ang gwapo niya! inaabangan ko ang pangalan niya, ayan na magpapakilala na siya, ang tagal! medyo shy type kasi. Ayan na... "My name is .......

ITUTULOY...........

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit ba Besfren lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon