A knock to your heart

53 2 0
                                    

Makasarili ba ako kung ang tanging hiling ko lang ay ang mahalin mo?

Desperada nabang maituturing kung ito na ang aking huling hiling?

Kailangan bang kamuhian para mapatawad ang aking kasalanan?

Bakit ba ako ay nilalayuan? Di mo ba ako kayang pakinggan?

Masaya kaba kapag nakikita akong nasasaktan?

Gusto ko lang ay makasama ka at mahagkan.

Hanggang kailan ako kakatok?

Kailan mapapansin ang pagmamahal na aking iniaalok?

---

Sophia Jimenez POV

"Stay away from me. Ilang beses ko ba dapat ulit-ulitin na hindi kita gusto, hindi kita mahal. Hindi ko alam kung manhid ka o trip mo lang talagang magpaka manhid eh." Iritang sabi niya sakin

Napabuntong hininga nalang ako at tumingala dahil alam kong my tears will eventually fall in any moment.

Maraming beses naring nangyari ang ganitong senaryo kaya I should be used to it. Pero kahit naman sanay na ang puso mo alam mo sa sarili mo na nasasaktan ka parin.

Lagi niya akong sinisigawan, lagi nyang sinasabi sakin kung gano nya kaayaw sakin na kahit kelan di na ako magagawing mahalin, lagi nyang ipina- mumuka sakin na kasalan ko kung bakit siya naging ganyan sakin

Pero still eto parin ako nanatili sa tabi nya. Ganun naman yata kapag nagmahal ka ng taong di ka mahal, wala kang ibang choice kung hindi ang magpaka-tanga

Ang drama ba? Well thats the reality

---

"Alam mo Phea ikaw na yata ang pinaka tangang babae na nakilala ko." Sumbat ng best friend kong si Inah

Ngumiti nalang ako, sanay na ko sa kanya halos araw araw na yata nyang sinasabi sakin yan

"Tikman mo nalang to Inah" sabi ko sabay abot sa kanya yung cookies na kahahango ko palang galing sa oven

Kinuha naman nya

"Masarap pero pustahan tayo hindi manlang niya to titikman sayang lang effort mo" sarkastikong wika nya

"Ang nega mo naman. Alam mo kasi Inah kapag mahal mo ang isang tao walang effort na sayang basta para sa kanya. Try mo din kasing mag mahal minsan ng malaman mo kung ano yung sinasabi ko" this time ako naman yung nanunumbat sa kanya

Automatic na kumunot ang noo nya

"Bes kung magpapaka tanga lang din ako katulad mo, no thanks mas bet ko pa maging matandang dalaga" sabi niya

Napailing nalang ako, that's Ina anyway. Siya yung taong wala daw balak mainlove

Sabay kaming pumasok ni Inah pero nauna siyang pumunta sa room dahil inilagay ko pa yung cookies sa locker ni Jacob

Araw araw kasi akong naglalagay ng something sweet sa locker nya. Umaasa kasi ako na somehow baka naapreciate nya din naman yung ginagawa ko

Nung nailagay ko na nagtago muna ako, gusto ko kasing malaman kung ano ang magiging reaction nya kahit na alam ko naman na talaga kung ano

Nung dumating siya agad naman nyang napansin yung cookies, napa ngiti ako pero hindi din naman nagtagal yung ngiti nayun

"Manong sa inyo nalang po, paki tapon nalang din po yung card. Salamat po." Sabi niya habang ibinibigay yung box ng cookies kay manong guard

A knock to your heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon