Ang Engagement ni Ex [ o n e s h o t]

3.3K 127 43
                                    

Hindi ako makapaniwala na ginagawa ko ito. Ayaw gawin ng isip ko pero nagpupumilit ang puso ko. Kasalukuyan akong umaakyat ng hagdan ngayon para pumunta sa roof top ng school building.

Ang lugar na iyon ang paborito kong tambayan nung college palang kami ni Justine. Gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing pupunta ako dun. Pero sa mga oras na to, sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Nasa 4th floor na ako, tutuloy pa kaya ako hanggang roof top? Haaaay......

lakasan mo loob mo France. - pagkumbinsi ko sa sarili ko.

Umakyat na ulit ako ng hagdan, at eto na. Bubuksan ko nalang ang pinto at makikita ko na ang proposal ni Justine kay Ayesa. Napapikit ako at nag isip.

Ex-boyfriend ko si Justine. Naging kami nung 4th year highschool palang at nagbreak kami after college. 6 Years ang itinagal ng relationship namin. Kaming dalawa ang nagdesisyon magbreak para magkaroon kami ng buhay na hindi umaasa sa isa't isa.

Two weeks ago, akala ko magkakabalikan na kami ni Justine. Pero nagkamali ako ng inakala.

*flashback

May date kami ng present boyfriend ko, na kaibigan naman ni Justine. Nandito kami sa isang Italian Restaurant ngayon. Yes, ito ang second boyfriend ko after ni Justine, at ito narin sana ang gabi na makikipagbreak ako sa kanya.

Kaninang umaga, humingi ako ng tulong kay Justine dahil nahihirapan akong makipagbreak kay Vince. Sabi niya, gawin ko lang daw ang tama dahil wala naman daw madaling paraan ng pakikipagbreak. Sasamahan din daw niya ako pero dun lang siya sa labas.

Naging magbestfriends kami ni Justine after ng break up namin kaya kami rin dalawa ang nagtutulungan.

Errrrgh, nahihirapan talaga akong makipagbreak kay Vince. Hindi ko masabi ng deretso sa mga mata niya dahil napakabait niyang tao, pero may ilang dahilan kung bakit kailangan kong gawin to.

Mahigit isang oras na kami sa restaurant na ito pero hindi ko parin masabi ang totoo. Nagulat ako nang biglang pumasok si Justine sa loob at lumapit sa amin.

"I'm still in love with France. Mahal na mahal ko parin siya. Hindi ko kayang mabuhay nang wala siya sa tabi ko. I love her, more than she knows." sabi ni Justine kay Vince.

Nagulat ako sa ginagawa niya. Hindi na ko nakapagsalita pagkatapos nun. Sandali pa silang nag usap, at pagkatapos nun, nalaman ko nalang na break na kami ni Vince. Tinanggap naman niya ito ng maluwag. Lumabas kami ng restaurant.

Ang Engagement ni Ex [ o n e s h o t]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon