Dear Mr. Bubu,
Dalawang buwan na. Dalawang buwan na nang ika'y simula kong nagustuhan. Hindi ko na maalala kung paano pero natutuwa talaga ako tuwing tinitignan ko kahit Facebook mo lang. Hindi naman kasi tayo nagkikita ng personal, kasi nga naman hindi tayo ganon ka-close. Sabi ng mga kaibigan ko, stalker daw ako, pero hindi, sa tingin ko naman nagre-research lang ako. Matagal mo na akong kilala, pero hindi mo alam na gusto talaga kita.
Sa sulat na 'to, gusto ko lang malaman mo na kahit gustong gusto kita, hindi ko naman talaga hinihiling na gustuhin mo na as in now na. Totoo yan, walang biro. Alam mo kasi, sa tingin ko nag-mature na din ako pagdating sa ganitong parte ng buhay ko. Hindi ako nagmamadali sa mga bagay. Kung magustuhan mo din ako, yung buhok ko siguro hahaba agad-agad, cardio mode.
Alam mo Mr. Bubu, ang cute mo. :)
Alam mo ba, minsan na din kitang naging wallpaper sa cellphone ko? Siguro one day lang naman. Kasi naisip ko, kahibangan yun e. :P
A ayun lang, wala na akong masabi. :P
Ang Researcher Mo, Ms. LikhangSulat