Ganyan talaga ang buhay. [One-shot.]

249 8 5
                                    

A/N: Okay, hindi talaga ito 'yung pinangako kong kwento dahil tamad ako mag-type. Pero sana magustuhan niyo. Kahit sobrang ikli. LOL.

Hindi mo naman ginusto 'to e. The work of universe, ika nga. No choice. Pero kahit ganun, pinipilit mo pa ding humanap ng paraan para makalabas at makaalis.

Madumi dito, madumi doon. Nakakadiri diyan, mas nakakadiri doon. Lahat ng kasama mo nawalan na ng bait. 'Yung iba, pinipilit bumangon kahit na madami sa kanila e, ilang dekada na ang lumipas sa mga kanilang mga buhay. Pinipilit mo gayahin 'yung mga may mga pangarap pa pero nakakawala din ng motibasyon at inspirasyon ang naging estado mo. May mangyayari pa kayang maganda sa 'yo matapos ang lahat ng 'to? O matatapos pa kaya ang lahat ng 'to?

Mahigpit sa ganitong lugar. Hindi ka pwedeng mag-angas nang basta-basta. Lalong hindi ka pwedeng maging mahiyain at magmukhang lantang dahon kung hindi ikaw ang kawawa. Dapat tama lang. 'Yung hindi kapansin-pansin pero respetado. 'Yung mukhang hindi naghahanap ng kaaway pero matapang. At hindi lang dapat sa mga kasama mo 'yun napaparamdam kung hindi pati dun sa maangas at kurakot na halimaw sa labas. Teka, mayabang at palaging may shades pa pala. 'Wag mo siyang paparinggan, 'wag mo siyang uutusan, 'wag kang epal, kung hindi ikaw ang kukupalin niyan.

Minsan nakakabanas din dito. Nakakabagot dahil ramdam mo talaga na utot lang ang kontribusyon mo dito sa mundo. Wala ka nang kwenta bago pa dito, mas lalo ka pang naging walang kwenta. Mas lalo pang ipinamukha sa 'yo na, "Putangina mo, kuto ka lang, dapat sa 'yo 'yan." Kahit gusto mong magbago, parang mahirap magbago sa ganitong kundisyon.

Siguro alam mo na kung nasaan ka ngayon, 'no? Dahil diyan at sa ilang minutong pag-iisip at paglilinaw sa gusto mong mangyari sa buhay mo sa hinaharap, tinanggal mo ang pagkakatutok sa isang matandang babae ng iyong matalas na kutsilyo.

"Pasensya na 'po kayo. Hindi ko na 'to uulitin."

Tumakbo ka nang pagkabilis-bilis. Sa sobrang bilis, akala ng ibang taong nalalagpasan mo may aswang na dumaan at naghahanap ng makakain sa gabing iyon. Dumiretso ka sa bahay mo. Ibinalik mo ang kutsilyo mula sa lalagyan ng mga kutsara't tinidor. Buti na lang, wala pa ang mga magulang at kapatid mo na galing sa pagkakalakal ng kung anu-anong mga napulot nila sa daan. Hindi sila magtatanong kung bakit may dala kang kusilyo.

Sa halip na magmukmok sa isang tabi, sinalubong mo ang iyong pamilya na mukhang pagod na pagod sa isang araw na pagtatrabaho nang nakangiti.

"Ba't parang ang saya mo ngayon?"

"Natutuwa lang akong makita kayo."

"Natutuwa ka nga, 'di ka man lang naghanda ng hapunan."

"Ay, sorry. Ako na po bibili, malaki din nakuha ko sa construction ngayon.

*THE END*

Ganyan talaga ang buhay. [One-shot.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon