Chapter 4- whole day war with the beast

69 4 4
                                    

Bilang reward sa aming pagkapanalo ay binigyan kami ng isang araw upang gawin ang lahat ng gusto namin.

Nung Una ang balak ko lang talaga ay matulog, kumain at magmusic para matanggal ang stress ko sa mga nangyayari.

Lalo na pag naiisip ko si halimaw!!! Kumukulo agad ang dugo ko..

Saan kaya pinaglihi yun? Sa pwet ng manok ata o Kaya pinaglihi sa bayabas ang yabang kasi masyado...

Naiinis ako sa kanya. At naiinis din ako sa sarili ko dahil lagi ko siyang naiisip... Iniisip kung pano ko siya mapapatigil sa pang-eepal nya sakin.

Lumabas ako ng palasyo.. Gusto ko kasi maglakad lakad ulit..

Habang naglalakad naalala ko yung nangyari kahapon na natuto akong magpana. Ayoko talaga sa pana pakiramdam ko ano mang oras makakapatay ako ito kasi ang sandatang pumatay sa mommy ko pero Nung natuto na ko ng tamang paggamit. Parang gusto ko na magaral nito para mas maging bihasa pa ko.

Neighhhhh!!! Neighhhhhhh!!! Neighhhhh!!!

Nakarinig ako ng tunog ng kabayo.. Agad akong lumapit para makita kung kanino galing yun..

Sa aking pagkamangha, ang puting kabayong nakita ko sa likod ng napakalawak na damuhan ay walang iba kundi si Velinda ang unicorn na nagdala sakin sa paaralan na ito..

Mas lalo pa kong dumikit malapit dito at akin ko syang niyakap..

"Kamusta Velinda! Buti nakita kita dito. Nagiisa lang kasi ako e. Pwede ba tayo magkwentuhan?" Bati ko Kay Velinda na kasulukuyang nanginginain ng damo. Bigla itong humarap at nagsalita.

"Magandang araw aking Dyosa. Mabuti lang ang aking kalagayan dito. Oo naman maaari tayong magkwentuhan" sagot nya sakin na ikinatuwa ko.

"Ikaw naman Velinda Lorelaine nalang ang itawag mo sakin. Itatanong ko Sana ano pang lugar ang magandang puntahan dito sa buong palasyo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi po maaring tawagan kita ng gayon pagpasensyahan nyo na po, at siya nga po pala batay sa aking paglilibot dito sa buong palasyo ang pinakamamagandang puntahan dito ay ang tuktok ng bundok albus. Maganda ang tanawin doon kitang kita mo ang paligid marami rin ang mga kakaibang nilalang na nakatira doon." Mahabang pagkukwento nya.

"Wow! Ano pa po?" Tanong ko ulit na tila seryoso sa pakikinig

"Wow? Ano pong salita iyon? Ahm, isa ring magandang puntahan ay ang bandang kaliwang bahagi doon. Makikita mo kasi ang napakalaking bahaghari na binabantayan ng mga maliliit na taong paru-paro. Sinasabi sa mga kwento ang bahaghari na iyon ay para sa mga taong nagmamahalan." Muling sagot nya sakin.

"Hahaha. Ang salitang wow Velinda ay pagpapahayag ng pagkamangha sa isang bagay na ginagamit sa mundo ng mga tao Kaya kapag namangha ka ang sasabihin mo dapat ay wow! Talaga? Para sa mga taong nagmamahal paano naman iyon at para saan?" Tanong ko sa kanya dahil sa pagkataka

"Ah.. Yun pala ang ibig sabihin noon. Ang bahaghari kasi aking dyosa kapag ito ay lumiwanag kapag nalapit kayo doon kasama na iyong sinisinta ay nangangahulugang siya na ang nakatadhana para sayo at ang mga taong paru-paro ay magbibigay sa inyo ng kwintas na dyamante bilang pagtanggap ng inyong kapalaran." Kwento nya sakin

"Nakakatuwa naman iyon. Meron din pala nun dito. Eh Velinda wala bang beach? Ay este dagat pala o Kaya lawa o ilog dito?" Tanong ko sa kanya nais ko kasi pumunta sa mga ganung lugar

"Meron dyosa sa lawa ng tebes makikita ang napakagandang katubigan. Pag nakita mo iyon ay mawawala ang inyong suliranin. Makakapagpahinga ka dahil tahimik at payapa ang lugar na iyon. Subalit, napakalayo ng lugar na iyon dito hindi mo iyon mapupuntahan kung maglalakad ka lang. At isa pa bawal lumabas ng palasyo ang mga estudyanteng gaya mo?" Sagot nya sakin. Kinalungkot ko ang huling nyang sinabi..

Enchanted SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon