"Papi, kalma ka lang.. Masyado kang kinakabahan eh.. Chill!"
Sabi sa'kin ni Sam.. Panay pisil nya rin sa braso ko, mukha daw kasi akong hihimatayin..
"Sam, kinakabahan ako.. Paano kung hindi sya sumipot? Paano kung tumakbo sya? Paano ku-"
"Chill ka lang Chard, kilala ko si Maine, at alam kong mahal ka nun.. Bakit naman nya gagawin yung mga bagay na alam mo namang hindi nya din kayang gawin?"
Sabi sa'kin ni Sam.. Napalunok ako.. Nararamdaman ko na din ang pagpapawis ng kamay ko.. Ganito pala ang feeling kapag...
"Den! Buhay ka pa ba?"
Pabirong tanong sakin ni Kuya Wally, at pinunasan ang pawis na namumuo na sa noo ko tsaka ako tinapik sa likod..
"Den, huwag kang kabahan.. Kung may lalaki man dito na alam kung gaano ka kamahal ni Meng.. Ako yun.. Kaya, magrelax ka muna.. Baka pumangit ka nyan eh!"
"Ingatan mo si Meng ha!? Mahal na mahal ka nun at kagaya nga ng sabi niya sakin.. Ikamamatay nya daw kapag nawala ka pa sa kanya.. So.. Just trust her. Alam kong mahal na mahal mo sya, at ganun din sya sayo"
Sa ilang beses na sinabi nila na walang masamang mangyayari at mahal ako ni Maine ay dun lang ako kumalma... Napabuntong hininga lang ako at napangiti kay Kuya Wally na kinawala na ang sarili nya sa pagkakayakap sakin.. Kaya mo 'to Alden!
"Den, kailangan ka na daw sa Altar, malapit na daw sila Meng" sabi ni Kuya Jose pagkabukas na pagkabukas nya ng pinto sa waiting room ko.. Napabuntong hininga ako ulit.. This is it..
Naglakad ako papunta sa loob ng simbahan, nakita ko ang mga tao na nakangiti at nakita ko din ang dalawang ate ni Maine at ang Mama nya na umiiyak, mamimiss siguro talaga nila si Maine.. Nakita ko naman ang papa nya sa harap ng simbahan at nakatingin sya sa akin at nakangiti, ganun din ang dalawa nyang kapatid na lalaki...
Tumutugtog na ang piano at kumakanta na ang choir pero wala akong marinig kundi ang heartbeat ko.. Marahan akong naglakad papunta sa harap ng Altar.. Bigla kong naalala ang aksidente naming pagkikita through split-screen. Napangiti ako bigla, ang memorable na first encounter namin naalala ko din.. Naalala ko din ang araw na tinanong ko sa kanya kung pwede akong manligaw, naalala ko ang mga anniversary namin pagkatapos naming maging official at lastly.. Ang proposal ko sa kanya...
Nakatayo na ako sa harap ng altar ngayon.. Pero patuloy lang ang pagbalik sakin ng mga nagawa naming ala-ala na magkasama...
Nakatungo lang ako hanggang sa siniko ako ni Sam, pag-angat ko ng ulo ko ay naglalakad na pala papuntang altar ang babaeng pinakamamahal ko.. Ang ganda nya.. Ito ang araw na hindi ko makakalimutan ang ganda nya.. Paano ko nga pala makakalimutan eh, araw-araw ko na pala makikita ang babaeng nagpatunay sa akin na malakas ang power ng love, lalo na kung pareho kayong lumalaban..
Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ako... Hindi ko matukoy ang saya sa dibdib ko, finally, after 5 years, papakasalan ko na ang babaeng mahal na mahal ko higit pa sa kahit sino at kahit ano..
"Ma, masaya ka para sakin di ba? Makakasama ko na habang buhay kong mamahalin.." Sabi ko sa hangin, alam kong masaya si mama na kahit wala sya dito ay alam nyang may babaeng handa akong mahalin kagaya ng pagmamahal ko sa kanya..
Habang papalapit ng papalapit si Maine ay lalong hindi ko mapigilan ang luha ko, nakikita ko din na umiiyak na din sya.. Ngayong nandito na sya sa harap ko ay binigay na ng papa nya ang kamay ng anak sa akin..
"Richard, alagaan mo ni Nicomaine ah.. Mahalin mo sya ng higit pa sa sarili mo.. Huwag mo syang papabayaan.. May tiwala ako sayo.. Mahal na mahal ka ng anak ko.. Kaya.. Sana ganon ka din.."
BINABASA MO ANG
I Do (AlDub/MaiDen) (One-Shot)
FanfictionIto na ang araw na pinaka-hihintay nila.. Ang araw na tunay na simula ng panghabang buhay... ........... Medyo Hopia!! Sana mag-enjoy po kayong magbabasa nito! :)