Chapter Fifth - Guilty Mode

584 22 1
                                    

LABIS na effort ang ginawa ni Zaye umakto lang nang normal sa harap ni Nikka. Panay kasi ang kwento nito tungkol sa date nito kasama si Kobe at labis din itong nagpapasalamat sa kanya dahil pinuri daw ng lalaki ang outfit nito. Kung malalaman lang siguro nito ang ginawa niya, malamang na ibibitay siya nito nang patiwarik sa clock tower ng Elmswood University.  Talagang nako-konsensya na siya sa ginawa niya.

            Katatapos lang ng Sociology class nila at kasalukuyan silang naglalakad palabas ng Arts building. If only it could be possible, she wanted the aliens to abduct her now. Bawat oras na kasama niya ito ay tumitimo sa isip niya ang mga kabalastugang ginawa niya. 

            She really did ask Kobe to cooperate with the date that Nikka wanted to happen. Ang buong akala niya ay magiging madali lang para sa kanya ang lahat pero labis na paghihirap muna ang dinanas niya bago mapapayag. Katakot-takot pa ang ginawa niyang pangungumbinsi kay Kobe mag-cooperate lang ito sa date at ang masaklap, kinailangan pa niyang sabihan ang kumag na umaktong gentleman sa harap ni Nikka. Pero may mas masaklap pa doon. Binigyan pa siya nito ng kondisyon na papayag lamang ito sa gusto niya kung makikipag-date siya rito.

            Nagpahayag pa ito ng pagkagusto sa kanya na mas lalong ikinairita niya. Siyempre pumayag siya sa kondisyon nito pero ang hindi nito alam, gagawa siya ng paraan upang hindi matuloy ang date sa pagitan nilang dalawa. Ayaw naman niyang maging ‘cobra’ sa sariling kaibigan niya. At sa totoo lang, wala talaga siyang special feelings para kay Kobe.

            “Zaye is there anything wrong?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Nikka.

            Napapitlag siya. “H-ha? Ah... eh, I’m okay. Yeah, I’m pretty fine.” Hindi niya namalayang kanina pa pala siya nakatunganga habang panay naman ang pagsasalita nito.

            “Are you sure? You seem to have some kind of problem.”

            She smiled. Hoping Nikka would buy her faked enthusiasm. “I really am fine. Maybe I was just worn out. Marami kasi kaming inasikaso sa cafeteria. Idagdag pa na nakikisabay rin ang mga exams ko.”

            “It’s okay. I know you can do it. You are a strong girl that’s why I envy you so much.”

            Napatingin siya rito sa pagkabigla. “You got to be kidding me. That was supposed to be my line.”

            She chuckled. “Well, I’m dead serious Zaye. I’ve been observing you and it happened that you impressed me with a lot of things. I won’t mention it all, but one of those is that you managed to help people despite of your complicated situation. I hope you get what I mean.”

            “Oh, thank you.” Once again, the guilt flooded throughout her façade. Gayunpaman, pinilit niyang ipinapanatili ang kanyang masayang composure.

            Marami pa silang napag-usapan tungkol sa mga kung anu-anong bagay. Nabanggit din nito sa kanya na birthday nito sa makalawa at invited siya sa okasyon na iyon. Tatanggi sana siya pero hindi niya nagawa dahil natatakot siyang baka magtampo ito.  At nang makarating sila sa College of Business building ay naghiwalay na sila ng landas.

            Napapitlag siya ng mag-ring ang cell phone niya. Bigla siyang kinabahan nang malamang si Ariel pala ang nagtext doon. Napangisi siya dahil textmate na ang drama nila ngayon.

            Binasa niya ang text nito at ganoon na lamang ang pagkataranta niya dahil kinukumusta nito ang misyon niya. Gusto tuloy niyang maglupasay sa kinaroroonan niya ngayon. Classmate pa naman sila ngayon at namomoroblema na siya kung papaano niya ipapaliwanag dito na hindi na nito maaring i-date si Nikka kasi may iba na itong gusto?

Little Things (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon