Chapter Seventh - The Mysterious Man's Letter

569 19 2
                                    

SINAMANTALA ni Zaye ang free time niya sa pagpapahinga sa Elmswood University Park sa halip na bumalik sa cafeteria. Wala kasi siyang naabutan na estudyante roon sa history class nila. Nalaman na lang niya sa bulletin board na may seminar palang dinaluhan ang instructor nila kaya hindi ito makakapasok.

            Naalala niya ang sinabi sa kanya ni Ariel kaninang madaling araw. Medyo curious kasi siya tungkol doon kaya nagbabaka-sakali siyang maabutan niya ito sa classroom pero wala na ito roon. Bukod doon, excited din siyang makita ulit ito kahit pa nakatakda na ito kay Nikka. Marahil ay nagpunta ito sa café gaya ng sabi niya rito pero mamaya pa talaga ang balik niya roon. Umariba na naman kasi ang katamaran niya.

            Sa halip na pumunta sa café, naupo siya sa isa sa mga benches doon at binasa ang Obligation and Contracts book niya para mag-review. May long quiz din kasi sila bukas.

            “Excuse me miss?”

            Agad siyang nag-angat ng tingin mula sa pagbabasa at nakita niya ang isang may edad na na lalaki. Kumunot ang noo niya. Pamilyar kasi sa kanya ang lalaki pero hindi niya maalala kung saan niya ito nakita.

            “'Po?”

            “You are Zayana, right? I’m Daniel Guevarra. Pwede ba kitang makausap sandali?”

            Ngumiti siya. “Opo. Maupo  muna kayo.” Magalang niyang wika rito. “Ano po ba iyon?” Kinabahan siya. Hindi kaya ito ang nagbabantay sa mga student assistants kung nagtatrabaho ba sila o hindi? Lagot siya kung ganoon.

            Huminga ito ng malalim. Napuna naman niyang medyo nagkalambong ang mga mata nito. “Nalaman ko kasing magkaibigan kayo ni Ariel. I just want you to give this message to him.”

            Gusto sana niyang itama na hindi naman talaga sila magkaibigan ni Ariel. Ang purpose lang naman niya ay ang tulungang mapalapit ang binata kay Nikka. Iyon lang.

            Napansin niya ang dala nitong maliit na sobre. Tinanggap naman niya iyon.            Nagawi ang tingin nito sa malaking field. Hindi siya sigurado pero nababasa niya ang lungkot sa mga mata nito.

            “I know you’re wondering who I am. I’m his father.”

            She felt a lump stuck in his throat because of that fact.

            Daniel Guevarra... Ariel Guevarra... Magka-apilyedo nga sila! analisa niya sa isip.

            Kung ganoon, kaharap na niya ang father-in-law niya! Ambisyosa! Anyway, it felt surreal, astounding and abrupt. Hindi niya inakalang ito mismo ang lalapit sa kanya.

            Kaya pala parang may pagkakahawig ito kay Ariel. Nagtaka siya dahil ngayon lang niya ito nakita. She supposed to meet him at Nikka’s birthday but she wondered why he was not around during that time.

            Magtatanong sana siya rito pero nagkwento ito ng mga bagay na hindi niya inaasahang isisiwalat nito sa kanya.

            “I’m his father and I know I deserve it. Ang dami kong pagkukulang sa kanya at ang dami kong kasalanan sa kanya pati na rin sa mommy niya. Pinabayaan ko sila at naging makasarili ako noon. I don’t know where to start fixing the mess I’ve done. Maybe I can’t fix it anymore. Pero ang gusto ko lang ay mapatawad nila ako.”

            She was taken aback. She has a lot of questions lurking in her mind but she can’t say it. Bakit kailangan pa nitong idaan sa sulat ang lahat? Pwede naman siguro nitong harapin ang anak nito. Pero siguro, ginagawa nito iyon dahil baka ipagtabuyan lang ito.

Little Things (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon