Dati, ang “1+1,” bukod sa totoong sagot na 2, ay katumbas ng “Magellan.” O kaya, ng “Bintana.”
Ang kaso, magmula nang umagaw ng eksena ang “KIYOMI,” parang nag-uumpisa nang magbago ang lahat.
Okay na sanay, eh. Kaya lang, pati 2+2 hanggang 6+6, ganun pa din ang resulta? Kiyomi pa rin ng Kiyomi? Unli lang, te?
Kung gagamitan natin ang Kiyomi ng totohanang Math:
"Kiyomi = Kiyomi." Reflexive property kunwari. ;)
Ibig sabihin din nun,
"1+1 = 2+2 = 3+3 = … = 6+6." Transitivity effect. Kuno.
Ayos, ang lakas maka-katol. E di magkakatumbas na lang pala ang lahat niyan? Ansabe naman ng Theory of Numbers sa Kiyomi? Nahiya naman daw ang asignatura sa kanta. Ano na, bagong teorya na ito?
Hindi ito masyadong nakakatuwa, sa totoo lang. Hindi pupwede ito! Paano na lang kung may kumontak sa hukay ng mga sinaunang taong may pakana sa 4Fs (Four Fundamental Operations) na nagpakahirap para dito mula nung umpisa?
Katanggap-tanggap pa naman ang sagot na Magellan; tumutugma ito sa 1+1 (“Wan plas wan”) at maaari nang maituring na tula. Kahit ang isang trip na sagot na Bintana, ayos naman; pupwede itong mai-halintulad sa ilang mga pasikut-sikot ng Geometry. At ang Kiyomi, aber? Pa-cute? Papataubin pa ata ang mga pundasyon ng Matematika.
Pasensya na pong talaga, sa mga makakakita nito sa kanya-kanyang mga news feed. Pero, palagay ko, kailangang ma-dispatsa itong Kiyomi, sa lalung madaling panahon… bago pa magsi-bangon ang mga zombies nina Aristotle, atbp… At bago pa nila sugurin ang mga Brains sa likod ng pagkakagulong dala ng Kiyomi.
SAM
Ika-2 ng Mayo, 2013
Sa siyudad na nagdiriwang ng ika-150 na anibersaryo.
P.S.
Wala lang. Bigla lang tinamaan at napa-sulat ng ganito. Salamat sa pagdaan! :D