Namiss niyo ang MagCas? Well, ako din naman pero sad to say ay hindi ko na magagawan pa ng BOOK 3 ang MagCas. Sapagka't datapwat ay SERIES nga po ang gagawin ko kaya SPECIAL CHAPTER nalang ang maaari kong ihandog sa inyo ng magkaroon din naman kayo ng hint kung ano at sino ang mga anak nila.
Lubos po akong humihingi ng pang-unawa dahil sa hindi nakaayos ang BOOK 1. Alam na alam ko po iyong pakiramdam na mahirap magbasa kapag hindi nakaayos ang pagkakasulat. Marami akong mali at muli kong uulitin ang aking sinabi. Hindi ko po babaguhin at papalitan ang naka-post sa watty ko. Ang orihinal na akda na nakaayos sa tamang kong pagsulat ay aking itinago upang mapanatili ko ang orihinal nitong nilalaman. Maiiayos ko lamang ito kapag lumayas na ang mga bangaw at sa tamang panahon! Lols! Ang BOOK 2, ay hindi din ang orihinal na akdang sinulat ko. Pinutol ko ang ibang mga eksena. Gusto niyong ayusin ko? Pilitin niyo muna ako! Haha! Joke. Again, hindi ko aayusin. Kaya lubos po akong humihingi ng pang-unawa. Murahin niyo na ako, laitin, or whatever! Walang makakapigil sakin! Haha!
Lubos din po akong nagpapasalamat sa lahat ng nagbasa at sumuporta. Mahal ko kayo. Huwag po mahiya na kausapin ako para naman kilala ko kayo.
So, enjoy my fairies. MAGCAS FOREVER