Prologue
"I'm on my way, Ma." Sabi ni Phet sa kanyang ina pagkasagot ng tawag sa kanyang telepono. Kasalukuyan syang nagd-drive papunta sa Silveria kung nasaan ang kanilang probinsya.
"Bilisan mo at kanina ka pa hinihintay ng Daddy mo." Sagot ng kanyang ina mula sa telepono.
"Opo malapit na ko." Tila naiinis na saad nya sa kanyang ina. Marahil ay nakukulitan na sya dito. Hindi naman kasi niya gustong pumunta sa kanilang probinsya at mas lalong hindi niya gustong tumira dito.
Sinabihan sya ng kanyang ina na kailangan niyang umuwi sa kanilang probinsya dahil walang katulong ang kanyang ama sa pamamalakad sa kanilang lupain. Kabilang dito ang kanilang mga taniman at mga inaalagaang hayop.