Introduction

12 1 0
                                    

"Siiiiiiiiiiiik-Boooom!" mga putok nalang ng paputok ang naririnig. Lalo na't malapit na ang pagpatak ng oras sa 12:00 am, hudyat na bagong taon na! Limang segundo nalang.

"5-4-3-2-1! Happy New Year!" sabay-sabay naming isinigaw.

January 1, 2002. A great day to start the year right. Smile to everyone ang gimik, pangtanggal ng stress sa buhay.

Bago pala ang lahat. Ako si Cathy Lestine Gonzales.  16 years old from #14, Lobe Street, Brgy. 3, Ayat, Philippines. Grade 10 Student sa Mataas na Paaralan ng Ayat. Living with my  Dad, mom at ang aking supportive na Ate, Rina Celia Gonzales.

12:00 ng madaling araw. Kainan na.

"Cathy, ipatong mo na sa mesa ang labing dalawang prutas." utos ni nanay.

"Anong silbi niyan nay?"

"Anak, pampaswerte. Ayon kasi sa iba, nakapagdadala iyan ng swerte sa atin lalo na't bagong taon pa."

Tatlong araw nalang, tapos na ang Christmas at New Year Break. Pero gayunpaman, enjoy the night muna bago isipin ang mga ganyan.

The night was gone and it was time to sleep.

----------------------------------------------------

Kriiiiiiiiiiiiiiiing! Tunog ng alarm clock ko. Nagulat ako dahil 5:30 palang tumunog na ito. Naalala ko may klase na pala.

January 4, 2000. Babalik na kami sa school. Batian ng Happy New Year! sulatan ng New Year's Resolution. Pagbibigayan ng gifts at iba pa. 'Yan ang mga peg kapag tapos na ang Christmas at New Year Break.

Pero this year. Pagpasok namin sa classroom. Pumasok ang aming guro si, Ma'am Catherine.

"Class, dahil sa susunod na buwan ang inyong Junior-Senior Prom, kailangan niyo ng pumipili ng inyong ka-date dahil sa Febraury 1 na ito gaganapin. Baka mahirapan kayo na kumbinsihin ang inyong mga ka-date. Sige kayo baka mag-solo flight kayo. At whether you like it or not, required kayong lahat. Good Luck!"

Paano na 'to. Totoo lang ha, ako naman talaga yung hinahabol-habol pag-JS prom.

Ang problema, sinong pipiliin ko? Ang hirap kasing magpapangit.

Hindi naman sa pagmamayabang pero parang ganoon na nga.

Ilang roses na naman ang matatanggap ko?

Hindi naman sa pag-aasume pero every year, roses ang pasabog ng mga boys sa JS Prom, Acquaintance Party o Classroom Parties.

Last Year, 10 roses ang natanggap ko. Pero isa lang ang rose na hindi nalanta.

This year kaya,

ilan?

o sino?

Hirap MagpapangitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon