1

14 1 0
                                    

"Sige na kasi Alex! Eto naman, isusulat lang e!" Sigaw ni Paul sa kaibigan. Nagpapasulat kasi ito para sa liham na ipapadala niya sa kanyang napupusuan.

"E ayoko nga! Baka malasin ako! Pramis pare, ramdam kong mamalasin ako dyan." Nangangamot ulo niyang sabi. Ngunit pursigido si Paul sa pangungulit niya sa kaibigan.

"Tungek ka ba? Parang susulat ka lang e! Anong malas dun? Putek ka namam e. Sige na pare. Panget nga kase sulat ko. Baka mareject na ko."

"Naku. Kung hindi lang kita kaibigan e. At tsaka hindi moko pinapakopya, malamang diko gagawin 'to. Asan ba yung mga gamit at yung isusulat? Akina dali para matapos na." Lumapad ang ngiti ng binata at pinasalamatan ang kaibigan. Alam niya kasing hindi siya matitiis nito. Inabot niya ang mga gagamiting gamit at nagpasalamat sa kaibigan. Kamot sa ulo at tango lamang ang isinagot nito.

Habang ginagawa ni Alex ang liham, hindi mapigilan ni Paul ang sarili sa pag-ngiti dahil sa wakas ay unti unti na siyang nakakagawa ng hakbang para mapalapit kay Jenny pero patago.

Tama ang pagkabasa niyo. Malaking torpe kase siya. Sa unang pagkakataon lang kasi makapanliligaw pero hindi katulad ng sa iba. Kailangan parin talaga niya ang tulong ng kaibigan niya.

Nang matapos si Alex ay punong puno ng pasasalamat ang inihatid ni Paul dito. Nagpalibre nalang si Alex sa kaibigan bilang kapalit. Naglibot lang sila sa mall buong maghapon.

Naisip ni Paul na ang swerte niya talaga sa kanyang kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wasted LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon