"I smell death bruh!"
@hanni_pot's POV
I wanna share this story na na-experience ko about a month ago.
Sabi ng mga friends ko, weird daw ako. But yeah, medyo totoo naman. Malakas ang pakiramdam ko. I mean, may sixth sense ako na siya ding sabi ng Lolo kong albularyo. So, ito na yung naganap. Last month lang 'to.
Kakauwi ko lang nun galing school. Tapos ewan ko ba pero pagkadating ko sa bahay, may naamoy akong something na hindi ko ma-explain. Kakaiba. Then tinanong ako ng friend ko nun na kasama ko umuwi at tumambay lang saglit sa bahay na kung ano daw ba ang problema ko at bakit bigla daw akong natigilan. Then out of the blue, nasagot ko sa kanya ang mga katagang "I smell death bruh!" na dahilan para agad niya akong batukan at sipain sa hita. Pagkatapos nun, binalewala na namin yung sinabi ko pero after a week, ganun pa din naaamoy ko. Isang araw nun, may narinig akong balita, may pinatay daw. Pagkatapos nun, nagsunod sunod na yung mga namamatay sa barangay namin. As in, napa "What the hell?!" talaga ako nung mga panahong yun! Kinilabutan din ako after kong marealize yung sinabi ko last week. Pero after 2 weeks naman e wala na ding namatay kaya medyo gumaan gaan na yung pakiramdam ko pati na ang konsensiya ko. Hindi ko na din naaamoy yung something.
Pero one day, habang nag-uusap kami ng isa kong kaibigan about dun sa last na namatay na doon pinatay malapit sa tindahan nila, biglang sumama ang pakiramdam ko. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Then out of the blue na naman, bigla ko nalang kinuha ang cellphone ko at nagselfie at sa gulat ko, biglang may nagtapik ng kamay ko dahilan para malaglag ang cellphone ko at nagcrack pa pero napaka-imposible talagang magcrack nun kasi one foot lang ang nilaglagan ng phone ko kaya sa inis ko, minura ko yung 'entity' na alam kong siyang may kagagawan ng pagkakalaglag ng cellphone ko. Simula nun, lagi nang mabigat ang pakiramdam ko. Parati din akong inaantok na parang pagod na pagod ako. Nahinto lang yun nang minsang magawi si Lolo sa bahay namin at dasalan ako ng Latin.
Sa ngayon, wala na yung ibang pakiramdam ko at sana, wag na yung maulit. Hassle e!
Thanks sis!
_END_
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!