AFGITMOLFM: My Review

3.2K 35 11
                                    

Ang totoo niyan, super curious lang ako kung sino si 'Ara Lorraine' or 'Rayne' or 'pilosopotasya'.

Naghahanap lang ako dati ng magandang babasahin, pampalipas oras. So nagbrowse ako sa "romance" at "non-teen fiction" genre ng wattpad. And then I came across TAMAKO SIA by Blacklily. I admit na wala pang one year na magkakilala kami ni wattpad kaya pinipili ko yung story na maraming views. And Tamako Sia was one of them. Binasa ko siya at nagustuhan ko kung paano magsulat yung author kaya binasa ko lahat ng gawa niya. (At hanggang ngayon, inaabangan ko na lahat ng updates niya.)

What bothered me the most was the friendship behind Blacklily and this person 'Rayne'. Palagi na lang, nababasa ko ang name niya sa author's note. Hanggang sa gumawa si Blacklily ng story na dedicated para sa kanya. And that's 'Halikan Kita Diyan Eh!".

Ika nga "curiosity kills". But still, curiosity helps you find truth. So what did I do? Nakakahiya mang aminin pero inistalk ko si 'Rayne'. Hindi naman yung stalker-bad pero yung stalker na tamang naghahanap lang ng info. Inuna kong puntahan yung account niya sa wattpad at nakita ko yung link niya for twitter. Tr-in-y ko rin pumunta sa creative corner pero hindi ko talaga maintindihan ang system dun kaya nagstick ako sa twitter.

So what did I find out? 'Rayne' is super friendly. Ang dami niyang ka-tweet sa twitter eh. At magaling siya makisama. And in my opinion, si 'Rayne' ay yung tipo ng taong mahaba ang pasensya at hindi masyadong nagagalit. Kasi bago ko binasa ang AFGITMOLFM, binasa ko muna lahat ng author's note. Yung tipong kahit andaming makukulit na hindi sumusunod sa instruction, mababasa mo ulit sa sunod na chapter's author's note yung instruction niya.

In the end, dahil sa mahabang author's note niya after epilogue, andun lahat ng facts, question and answers, binasa ko ang AFGITMOLFM. I know, na-spoil na ako sa story kasi alam ko na ang mga mangyayari dahil sa Q&A sa author's note pero hindi ko pa rin inexpect yung mga nangyari sa last part ng story.

AFGITMOLFM is an ordinary story kung igegeneralize mo siya. An ordinary love story na nababasa mo kahit saan.

But what made it "extraordinary" for me?

Siguro, yun ung kung paano ideliver/inarrate ng author yung mga pangyayari base sa point of view lang babaeng character, si Ianne. Nararamdaman ko rin kasi kung paano siya sumasaya, naguguluhan, natatakot, nalulungkot at nagmamahal. "Extraordinary" siya kasi sa isang point of view lang, mararamdaman mo na rin kung anong nararamdaman ng ibang characters. At isa pang nagustuhan ko sa AFG, kahit pa bata sila, highschool in fact, hindi ko minsan naramdaman na highschool lang sila. Nafifeel ko yung 'maturity' ng mga characters. Ma-PDA man minsan si Nate at Ianne, hindi ko na-feel yung landi sa story, instead, mas nafeel ko yung overflowing love.

Naawa man ako kay Nate dahil sa sakit niya, hindi ko maiwasang magalit kasi nagawa niya yun kay Ianne. I know, love works differently for everybody at yun yung way niya to respond at the situation pero feeling ko, at sinasang-ayunan ko siya: "Ang tanga niya." With Ianne, what more can he ask for? Magalit na kayo sa akin pero I really hate Nate dahil dun.

Kay Cloud naman, I'm really happy na hindi na niya p-in-ursue si Ianne. Tama nang nagbigay lang siya. Si Cloud, happy-go-lucky pero totoo rin kung magmahal. Ang sa akin kasi, bakit? Bakit sa lahat ng babaeng magugustuhan niya, yung girlfriend pa ng pinsan niya? Bakit sa lahat ng pagkakataon, sa maling mali siya napadpad? But then, wala akong sinisisi kasi sa pagkakataon rin na ito niya natagpuan si Erin. And they both deserve to be happy.

Kung tatanungin ako, umpisa pa lang, Team Art na talaga ako. Introduction pa lang, alam ko nang malaki ang role ni Art sa story. Yung pagkamisteryoso ni Art yung nagtulak sa akin para subaybayan kung ano ung mga susunod na mangyayari. Nakita ko kay Art yung super cliche na attitude ng mga character sa stories, "tsundere" ang alam kong tawag dun eh. Masungit outside pero hindi mo aakalaing sweet din pala. Alam natin lahat na may mahal si Ianne at Art na ibang tao umpisa pa lang ng story, pero sa story na ito, mas naramdaman ko yung pagkadevelop ng love nila for each other. Kung paano nila minahal ang isa't isa dahil sa mga pangyayaring hindi nila aakalain na dahilan kung bakit sila magkakakilala.

Base sa author's note, nagkaamnesia si Art at namatay si Nate. Pero para sa akin, hindi sapat na ma-spoil ako dahil dun. O kung dahil sa meaning ng AFGITMOLFM. Ang importante sa akin ay kung paano nangyari ang mga pangyayari. Sa ending, hindi ko alam na ganun ang mangyayari. Basta ang alam ko lang, amnesia at death. Hindi ko inexpect yung years pa ang lumipas bago nalaman ni Ianne ang lahat. Na mahabang panahon pa ang hirap at sakit na dinanas niya dahil hindi siya maalala ni Art. Na malalaman na lang niyang mamamatay na si Nate. Iniisip ko pa lang na kung ako yun, hindi ko makakayanan. Ang tatag lang niya. At inaadmire ko siya dahil dun.

Ang pinaka-unexpected sa lahat ay ang wedding proposal ni Art sa kanya. I really love that scene. At sobrang kinabahan pa ako nung sinasabi na niyang ikakasal na si Art. Naiiyak na ako. And all along, si Art liit pala yun. At all along matagal na silang mag-asawa ni AFG.

Nabasa ko man yung HIS SIDE, yung opinion ko after ko mabasa yung AFG, hindi nabago.

Really, the twist for the ending.. SUPERB!

AFGITMOLFM: An Ordinary Love Story but EXTRAORDINARY (in many ways).

So rayne, kung mabasa mo man ito o kung sino man ang makakabasa nito, opinion ko lang ito. Walang samaan ng loob. Na-hook up ako sa story kaya kelangan ilabas ang feelings ko. And I want you to know na babasahin ko rin yung ibang stories mo. Ang galing mo lang magkwento. Nabasa ko na rin yung bestfriend and my comment? Full of emotions. Ramdam kita.

Nacurious din ako kung anong meron sa november 11 kasi special dn skin ang date na yan, birthday mo pala. Gulat ako eh. Magkabirthday tayo!!! November 11 din ako.

Anyway, thank you for sharing your talent. Godbless!

Rants? Find me on tumblr: http://ayanaellainelouise.tumblr.com/

Going Beyond ExtraordinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon