Her Story

39 1 0
                                    

May isang babaeng napakamapagmataas, mayabang, sinungaling at higit sa lahat social climber. Ang tatay nya lang ang nagtataguyod sa kanya dahil wala na syang ina sa kadahilanang namatay ito sa isang aksidente. May kapatid syang babae pero di sila magkasunod dahil kasalungat nya ito. Ikinakahiya nya din ang kanyang pamilya dahil sa kahirapan nito. Ang ama nya ay nagtatrabaho bilang janitor sa kanilang eskwelahan pero niisa sa mga kaibigan nya ay walang nakakakilala dito dahil ayaw nyang malaman na mahirap lang sya. Ayaw nyang masira ang kanyang magandang imahe dahil lang sa pamilya.



isang araw..




pagkauwi ng babae galing sa bar ay sinalubong sya ng tatay nya.. ang kapatid naman nya ay kumakain.



"anak saan ka galing? at ngayon ka lang nakauwi? maghahating gabi na ah. alam mo namang delikado na pagganitomg dis oras na ng gabi." ama


"wala ka ng pakeelam dun. pasalamat ka ngang umuwi pa ko e!"


"ate respeto naman kay itay!"


"wow nagbait baitan ang magaling kong kapatid! MAGSAMA KAYO!"



wala ng nagawa ang mag-ama kaya naman tinignan nalang nya ang babae na papasok sa kanilang kwarto.



madami na ang nasakripisyo ng ama sa kanila. Lahat ng gusto nya ay nabibigay pero dahil nga mahirap lang sila at isang hamak na janitor lamang ito ay masyadong natatagalan ang tatay nya na maibigay gusto nya. Na kung tutuusin bilang haligi ng tahanan ay hindi nya kukunsintihin ang ganitong pagtrato sa kanya ng anak. Pero nga dahil wala na ang asawa nito pati pagiging ina sa kanila ay ginampanan nya na. Mahal na mahal nya ang kanyang mga anak, lahat ay gagawin nya mapasaya lang ang mga ito kahit ang kapalit nito ay ang kanyang buhay.


tuwing gabi ay pinagsasabihan nya ang anak dahil gabi na ito kung umuwi samantalang ang schedule ng uwi nya ay hanggang hapon lang pero dahil sa kamalditahan ng anak ay sa halip na hindi na ulitin ay galit pa ito.





pero isang gabi...


umuwi ang anak ng hating gabi sa pag-asang tulog na ang ama nito. Pagkapasok nya ng bahay ay naabutan nyang gising pa ang ama at halatang hinihintay sya.




"kung sesermuna mo lang ako please lang! rinding rindi na ko sa bunganga mo." akmang papasok na sya sa kwarto nya pero pinigilan sya ng ama nya. Bubulyawan na nya sana ito ng may makita syang box na hawak nito.




"Ito na ba yung latest Iphone na hinihingit ko?" sabi ng dalaga na nakangiti at agad na binuksan ang kahon..

Her Story About Her Father (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon