"I love you too." ganyan ang sinagot ko sayo noong magkatext tayo sa phone ilang taon na nakalipas.
Nagulat ka sa naging sagot ko pero tuwang tuwa na parang "At last! Mahal nya na rin ako" Alam ko naman sa sarili ko na karapatdapat ka. Bakit? Araw araw mong pinaparamdam na di mo ako babalewalain pinapakita mo tyaga na magkagusto din ako sayo. Lagi mong pinaparamdam na special ako sayo na iba ako sa mga nakilala mo. Lagi mong sinasabi minahal moko di dahil sa mukha kundi sa ugali ko. simple lang hindi maarte. Ganyan din pala magiging dahilan ng pagkawalay natin ngayon.
Sulat ko to para sayo. Alam kong hindi mo to mababasa pero ginawa ko parin to. Ayoko na itago tong sakit sa dibdib ko gusto ko tong ilabas ayoko pahirapan sarili ko. Sulat ko to para sayo, Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan. Hindi kita makakalimutan.
Naging masaya tayo ng ilang taon. Kinikilig kilig na parang mga elementary student na akala nila totoong pagmamahal na nararamdaman nila sa crush nila. Hindi ko akalain isang tulad mo mapapansin ako. Dati crush na crush lang kita. Naalala mo ba? Lagi ko kinukwento sayo. Nung lumipat ako ng school nung unang flag cem nun antagal magsimula kaya napatingin tingin ako sa paligid ko pero nung lumingon ako sa stairs nakita kita uminom ka muna sa may fountain nun naka jacket ka pa kahit ang init init sa court haha pero Shit. biglang bumilis tibok ng puso ko. Napakacorny alam ko pero totoo nagslow mo yung paglalakad mo. Akala ko di yun nangyayare sa tunay na buhay pero nangyari sakin. Napabalik nalang tingin ko sa may harap ng flag kasi nahiya ako bigla. May mga kaibigan ka nun baka mapansin nila na nakatitig ako sayo mapahiya pa ako. Wala akong kaibigan nun lahat ata naweweirduhan sakin eh hahaha
Crush na crush talaga kita nun kaya sumasama sama ako sa classmate ko na THANKFULLY naging kaibigan ko. Lagi kasi sya tumatambay sa labas ng room niyo sa may corridor kasi may kaibigan sya sa section niyo. Ako naman pasimpleng silip nalang. Ang weird ko ba? Pero di ko naman ginawa yun araw araw. Tinanggal ko na yun sa isip ko kasi alam kong hindi mo naman ako magugustuhan. Narinig ko nalang na may nagkacrush sayo na alam kong kuko lang ako nagbackout na ako hindi ko na pinalalim pa tong pagkacrush ko sayo. Nalaman ko din isang araw na nagkagirlfriend ka na. Hindi ko nalang yun inisip kasi wala akong mapapala dun tsaka grade 7 palang naman ako? bat ko ba poproblemahin yan. Di mo to alam no? di ko kinukwento tong buong story sayo baka kasi matakot ka sakin hahaha pero kukwento ko naman to kapag nasa iisang bahay na tayo kukwento ko bawat detalye ng buhay ko sayo pero parang di ko na ata yun magagawa..
Naging Anti Mayor ako. Bautista kasi mayor ng QC yun din last name mo eh hahaha niligawan mo daw kasi kaibigan ko. hahaha bat di nalang ako eh no?
Anti Mayor? ano yun? Napapakwento kasi yung iba saaming magkakaibigan na wala daw tumatagal sayo. Yung parang marami ka daw kafling. kaya yung mga kabigan naman namin todo angal agad nang sinabi ng isa kong kaibigan na nililigawan mo sya. Ayaw kasi daw namin masaktan kaibigan namin. Ako naman nananahimik lang ako wala lang sakin yun di ako naniniwala sa chismis pero nakikisabay nalang ako. Gumawa pako banner na Anti Mayor eh hahaha nung time na yun di na kita crush nun kaya nakikisabayan narin ako.
Nabalitaan ko nalang na naging kayo na daw. Its fine with me pero may something parin sakin na hindi ko maintindihan. Dumating ang summer, Akala namin kung ano ginawa mo sa kaibigan namin kasi break na daw kayo. Nagalit naman ako kasi ambabaw ng rason mo daw kung bat ka nakipagbreak kaya nakatatak na sa isip ko mga sinabi nila sakin..
- - -
Nagsimula lahat nung sawi ka ata sa isang famous sa school. Naguusap usap na tayo na laking gulat ko naman kasi parang out of the blue tong nangyari.Naging close tayo dahil sa twitter mo. Nababaliw twitter mo kaya sabi mo pagpray ko twitter mo. Jusko -.- Nagusap tayo nun hanggang sa medyo gabi na. Naalala ko pa nung sabi mo wag muna ako matulog pero sabi ko matutulog na ako pero sinabi mo naman wag muna kaya umoo nalang ako tapos sa sinabi mong Crush mo ata ako ehh