Chapter 23:

11.5K 210 2
                                    

Shantelle Kristina



Peep! Peep!



Napatingin ako sa gate ng marinig kong bumubusina ang sasakyan ni Ram.



"Baby nandito na yata si Daddy, ang aga nya yata ngayon." kasalukuyan kaming nasa garden ni Baby Zeyrone at nakasakay sa duyan.



Bumusina ulit si Ram kaya tumayo na ako ng duyan habang karga karga ko si Zeyrone. Mukhang may ginagawa yata si Ate Malou kaya ako na ang magbubukas ng gate.



Pagkabukas ko ng gate ay pumasok na ang sasakyan ni Ram kaya sinundan ko na lamang iyon.



"Bakit ikaw ang nagbukas ng gate? Nasaan si Ate Malou?" tanong nito pagkababa nya ng sasakyan. Binigyan ako nito ng mabilis na halik sa labi saka kinuha sa akin si Baby Zeyrone at sya na ang kumarga.



"May ginagawa yata sa loob." sagot ko naman. "Bakit ang aga mo?" tanong ko ng makapasok na kami sa loob. Bago pa makasagot si Ram ay sinalubong na kami ni Papa na may dala dalang tasa ng kape.



"Oh Ram, nandito ka na pala." sabi nito.



"Maagang natapos yung meeting ko." sagot naman ni Ram.



"Tumawag na ba sayo ang kapatid mong si Rax?" Tanong ni Papa. Lumapit naman ako kay Ram para awatin si Baby Zeyrone dahil sinusubo nito ang necktie ng Daddy nya.



"He didn't phone me. Why?"



"Nag aalala kasi ako, hindi ko makuha ang sinasabing problema ni Rax sa kompanya. Katatawag na naman nga nya kanina." Noong isang Linggo ko pa nariringgan na palaging pinag uusapan ni Ram at Papa yung tungkol daw sa problema ng kompanya nila sa ibang bansa. Napapansin ko rin na palaginng busy si Ram. Minsan nga gabing gabi na ito umuuwi. Naawa rin ako rito dahil parang pagod na pagod ito kapag uuwi.



"Don't stress yourself 'Pa. Tatawagan ko sya mamaya." Nagpalipat lipat lang ako ng tingin sa pag uusap nina Ram at Papa.



"Oh sya sige, dito muna ako. Sabihan mo na lang ako mamaya kapag nagkausap na kayo ni Rax." sabi ni Papa, tumango na lamang si Ram dito.



"Ram, akin na si baby Zeyrone, magpahinga ka muna." sabi ko pagkaalis ni Papa. Kapag ganitong pagod sya, ayaw ko na munang ipakarga sa kanya si baby Zeyrone dahil gusto kong magpahinga sya. Ang kaso makulit at mapilit, imbes na sya ang magpanhinga ay ako pa ang pinagpapahinga. Baka daw kasi napapagod na ako kakabantay kay Zeyrone, eh kung tutuusin hindi naman talaga alagain si Zeyrone dahil hindi naman ito iyakin.



"Okey lang, sa kwarto na lang tayo." sagot naman nito. Sumunod na lang ako kay Ram ng umakyat na sila ni Baby Zeyrone sa kwarto.



"Gusto mo bang kumain?" tanong ko dito habang tinutulungan kong hubarin ang coat na suot nito.



"Mamaya na." Pumunta ito sa kama at nilapag si Baby Zeyrone doon.



"May sakit ka ba?" tanong ko dito sabay hipo ko sa noo nito. Ang tamlay kasi nyang tignan o baka pagod lang talaga sya.



"Wala." sagot lang nito saka nilaro laro ang kamay ni Baby Zeyrone na nakahawak sa daliri nito. Umupo na rin ako sa tabi nilang mag ama. Maya maya ay lumabas ulit si Ram sa kwarto. Halos kalahating oras rin ang tinagal nya sa labas bago muling pumasok sa kwarto. Muli itong umupo sa kama.



Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon