Chapter 24:

11.7K 195 9
                                    

Shantelle Kristina


Mga alas kwatro ay nagising na ako dahil sa maaga ring nagising si Baby Zeyrone. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama at nakamasid sa crib nito. Hindi naman ito umiiyak dahil naglalaro lamang. Inaantok pa talaga ako, pero hindi ko naman pwedeng tulugan si Zeyrone, baka sa kakalikot nito ay dumagan ang tandayang unan nito sa mukha at hindi makahinga. Halos madaling araw na rin kasi kami nakatulog ni Ram, kwentuhan lang kami ng kwentuhan ng kung ano ano. Wala naman kaming ginawa, napasarap lang ang kwentuhan namin ng kung ano ano.


Bumaling ako kay Ram na himbing na himbing pa ring natutulog habang nakadapa, nakaharap ang mukha nito sa akin. Kahit konti pa lang ang tulog ko, parang ayos na rin dahil buong magdamag lang akong yakap yakap ni Ram hanggang sa makatulog kami.


Maya maya ay gumalaw si Ram at bahagyang dumilat.


"Hmm... What time is it now?" Inaantok na tanong nito.


"4:23" sagot ko pagkabaling ko sa orasan sa sa gilid ng kama. Tumagilid si Ram paharap sa akin at yumakap sa balakang ko.


"Bakit gising ka na? Ang aga pa, matulog pa tayo." Hindi ko maiwasang mangiti kay Ram na minamalat malat pang magsalita habang nakapikit. Halatang antok na antok pa talaga ito.


"Gising na kasi si Baby Zeyrone." Hinawi ko ang ilang hibla nang buhok nitong humarang sa mukha nito. Hinuli naman nito ang kamay ko at muling dumilat.


"Ha?" sabi nito saka bahagyang lumingon sa gawi ng crib. Bumangon ito at tumungo doon, kinuha nito si Baby Zeyrone at muling nahiga sa kama. Pinadapa nya iyon sa dibdib nya.


Maya maya ay hinatak rin nito ang kamay ko at pinahiga sa tabi nya saka ako niyakap gamit ang isa nyang braso.


Tumingala lang ako kay Ram at tinignan ang mukha nito na ngayon ay nakapikit na ulit.


Hinahatak na sana ulit ako ng antok ng biglang umingit si Baby Zeyrone. Bumangon na ako at kinarga ito kaya muling nagising si Ram.


"Matulog ka lang, ako ng bahala kay Baby Zeyrone." sabi ko pero bumangon na rin ito at nagtuloy tuloy pumasok sa banyo.


Ilang sandali lang ay lumabas na rin si Ram sa banyo. Nakatapi na lang ito ng tuwalya at mukhang naligo na.


"Maaga kang papasok?" Tanong ko habang naghahalungkat ito ng damit sa closet.


"No, I'm not leaving for work today."


"May iba kang lakad?" muling tanong ko. Tumayo ako ng kama habang karga karga ko si Zeyrone. Umiling si Ram sa akin saka bahagyang lumapit.


"Igala natin si Zeyrone sa labas." Natuwa ako sa sinabi nito. Lalabas kaming tatlo.


Gumayak na ako at pinaliguan si Baby Zeyrone. Sabi ni Ram sabayan na rin daw namin ng pagjogogging. Magsalitan na lang daw kami ng tingin.


Pagkatapos magbihis ni Ram ay kinuha na rin nya sa akin si Baby Zeyrone at ako naman ang gumayak.


Paglabas ko ng banyo ay wala na sila sa kwarto, marahil ay bumaba na sila. Naghalungkat na ako ng susuotin ko at naghanap ng jogging pants pero wala akong makita sa damitan ko. Puro maiiksing shorts, palda, o kaya naman bestida ang meron ako.


Wala na akong nagawa kaya isang itim na shorts na lang ang napili ko, pumili ako ng medyo mahaba haba pero halos kalahati pa rin ng hita ko ang iksi. Tinernuhan ko na lang ito ng sando na kulay green na hapit na hapit sa katawan ko. Kelangan ko na nga talagang mag jogging dahil pakiramdam ko ay nadagdagan na ang timbang ko.


Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon