Chapter 26:

11.8K 186 43
                                    

Ram Zeyrone



Habang nasa eroplano ay si Kristina lang ang laman ng utak ko. Ayoko mang umalis pero hindi naman pwede. My brother needs help at ako ang nagpresinta na umalis imbes na si Papa.



Napahawak ako sa noo ko at minasahe iyon. Napasandal rin ako sa kinuupuan ko at pumikit ng mariin. Pakiramdam ko sumasakit na ang ulo ko.



"Ram." Hindi ko na rin pansin na kasama ko si Lexy na ngayon ay katabi ko. Naramdaman kong humilig ito sa braso ko at hinaplos haplos ang dibdi ko. Umungol lang ako at bahagyang umiwas. Nanatili akong nakapikit, mas makabubuti sigurong matulog na lang ako buong byahe.



Pero kahit yata gusto kong umidlip at ipahinga ang isip ko kakaisip ay hindi ko yata magagawa dahil kung saan saan  dumadapo ang haplos ng kamay ni Lexy.



Dumilat ako at mataman itong tinitigan. "Lexy." may pagbabantang sabi ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay nitong nasa ibabaw na ng zipper ng pants ko.



Ugh! Mas lalo nyang pinalalala ang pagsakit ng ulo ko!



"Why? I used to do this before, touching you..." naramdaman ko ang muling paggapang ng kamay nito hanggang sa...


"Fuck Lexy!"



She grab my dick! Ugh!



Agad akong napaayos ng upo at lumayo dito. Napatingin na rin sa amin ang ibang mga pasaherong kasakay namin.



"Why did you do that!" mariing sabi ko rito. Parang hindi nya lang alintana ang sinabi ko, bagkus ay ngumisi lang ito sa akin sabay kagat ng pang ibabang labi nito.



Inirapan ko na lang ito saka muling umayos ng upo. Bahagya akong tumagilid dito at muling pumikit.



"You can't do this to me Ram. I know you can't resist me."



I just let out a deep sigh. Magpipigil ako hangga't kaya ko.



***



Apat na araw na rin simula ng umalis ako ng Pilipinas, at sa apat na araw na iyon, wala na akong ginawa kung hindi ituon ang sarili ko sa trabaho at asikasuhin ang problema ng kompanya dito.



"Ok, I'll call again tomorrow. Bye." Inilapag ko ang cellphone ko sa mesa at muling tinungga ang bote ng alak na hawak ko.


Simula ng umalis ako, dalawang beses ko pa lang nakausap si Kristina. I don't know but it feels like she's avoiding me. Hindi nya sinasagot ang mga tawag ko at parang tumatanggi syang kausapin ako kapag mismong telepono na sa bahay ang tatawagan ko at si Mama ang nakakasagot.



Gaya ngayon, si Ate Malou na kasambahay namin ang sumagot ng tawag. Wala sina Mama, hinanap ko si Kristina pero nasa taas daw ito at pinatutulog si Zeyrone.



Hindi ko alam pero yung pakiramdam na iniiwasan ulit ako ng asawa ko sa hindi ko malamang dahilan ay mas lalong nagpapahirap sa akin. It's really a torture for me. Thinking of her every second of the day is totally a distraction for me.



Hindi ko maisaayos ang trabaho ko dahil pakiramdam ko, habang nagtatagal ako rito. Mas lalo lang lumalayo ng lumayo ang loob sa akin ni Kristina.



Napahilamos na lamang ako sa mukha ko at bigay todong sumandal sa kinauupuan ko.



Kristina, what have you done to me?



Stolen Innocence (Completed) Warning: SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon