Leunard Pov
Unti unti na akong nakakalayo sa kanya
Mabilis ang pag papatakbo ko.
Habang papalayo na ako
Sumisikip ang dib dib ko
Nahihirapan akong huminga
Di ko na kayang
Pigilan pa.Bakit?
Dapat maging masaya ako
Dapat wala akong maramdaman
Dapat matangap ko toPero bakit?
Bakit ako nasasaktan.?
Unti unti din lumalabo ang aking paningin
Humahapdi ang aking mga mata
Unti unti nababasa ang aking
Pisngi ng aking mgaLuha.
Hindi ito luha nga kaligayahan.
Dahil alam ko sa sarili ko na sobra akong nasasaktan.Ito ay Luha ng pasakit sa sarili.
Dapat ko tong tangapin.
Dapat kong yakapin na mawawala na sya sakin.
Nasasaktan ako dahil tuluyan na syang malalayo sakin
Wala akong nagawa.Tama lang naman ang naging disisyon ko
Tama lang na di ko sinabi na mahalaga sya sakinTeka
Di lang sya mahalaga sakin dahil....
Mahal ko sya
Mahal na mahal....
Tama lang naman ang naging disisyon ko
Na hindi ipagtapat .
At manatili na lang na lihim ang lahatKailangan kong magsakripisyo.
Dahil alam ko na ang nararamdaman kong ito ay walang patutunguhan.
Wala akong dapat pagsisihan..
Alam ko mahirap.Pero kahit anung gawin kong paglimot bakit ganun at ganun pa rin ang kinahahantungan..lalo ko syang minahal ng palihim... nasasaktan ako ng palihim.. nasisiyahan ako ng palihim..
Patuloy pa din ang pagdaloy ng aking mga luha
Luhang animoy wala ng kasapusan
Agos lang sya ng agos..
Dapat sa pagkakataong ito sanay na ako....pero di ko alam na pag lalong tumatagal at patuloy ko syang nakikita at nakakasama ay lalong sumasakit.
Kagat kagat ko ang aking hintuturo upang piliting pigilan ang aking pagluha
Di ko mapigilan.
Mas maganda na to mailabas ko ang lahat.
Ang labo ng paligid
Lumabo ang aking paningin dahil sa luhang umapaw sa aking mga mata
di ko na napansin....
Ng biglang.
Biiiipppppppp
Biiiiiipppppppp
Biiiiiippppppppp
Gago ka ba ha....-sabi ng lalaking aking na bundol sa aking unahan.
Bulag kaba di mo ba ako nakita...
Langya naman pare ang lawak lawak ng daan
Anu bang gusto mo ha...lumabas ka dyanNakakalalake ka ah..labas dyan.