⏳ Twist 9 ⏳

22 1 0
                                    

Third Person's POV

Tumunog na ang bell at tuwang-tuwa na rin si Catherine dahil uwian na. Halos mapuno na nga nya ng doodle ang notebook nya sa paghihintay ng dismissal.

Palabas na sya ng room nang harangin sya ng matalik nyang kaibigan—sarcasm please! Si Cindy lang naman.

"Good luck bitch. Enjoy!" Bulong nito sa kanya.

Naweweirduhan man at kinakabahan, nagpatuloy pa rin sya sa paglabas ng pinto. Hindi nya na lang pinansin ang sinabi nito.

Dumaan muna sya sa may locker nya para iwanan ang iilan nyang mga gamit at kunin ang mga kakailanganin nya bukas at para sa kanyang takdang aralin.

Naramdaman nya ang pagtawag ng kalikasan, kaya kahit tila wala nang mga nakakalat na estudyante at nagsipag-uwian na'y pumunta muna sya sa palikuran. Naisip nya na mahirap na, baka maging urgent pa ang call ni mother earth at tu-miming na nasa gitna sya ng kalye.

Pagkapasok nya sa isang cubicle sa cr ay bigla na lang namatay ang ilaw.

Catherine's POV

Ano ba 'yan?! Nag-brown out pa talaga ha. Tsk.

Te-teka. Ano tong mga naririnig ko? May mga nagbubulungan.

"May tao ba dyan?" Tanong ko.

Walang sumagot.

"Wag kayong magloloko. Sino kayo?"

Wala pa ring sumagot.

Pagkabukas ko ng pinto ng cubicle, bigla na lang may nahulog na isang timba ng mabahong likido.  "Aray!" Daing ko. Tumama kasi ang timba sa ulo ko. Hindi ko alam ano 'to, pero ang baho talaga.

May nakita akong mga bulto ng tao pero dahil madilim, hindi ko alam kung sino sila. Bigla akong tinapunan ng isa ng feeling ko harina. Bahagya pa akong naubo dahil diretso sa mukha ang pagtapon.

Tinulak ko sya at dali-daling binuksan ang pinto ng cr, pero dun na ako nanghina. "Aaaah!" M-may n-nahulog—o hinulog—na paso na muntikan nang tumama sa u-ulo k-ko. Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha ko at ang mahina kong paghikbi.

"So how was my surprise, my dear? Did you like it? Ang siya 'di ba?" Narinig kong may nagsalita sa likuran ko pero boses pa lang nya, alam ko na kung sino sya. Simula pa lang, alam ko nang sya ang may pakana nito.

"Pffft! Ang baho 'pre! Sayang. Chix ka pa naman." Sabi nung isang lalaki nung lumingon ako sa kanila. Tatlo silang mga lalaki at dalawang babae na sa pagkakaalala ko ay sina Ariella at Belle.

"Tama ka dyan pareng Dylan. Titirahin ko pa nga sana eh. Tsk." Sabi nong tila cassanova. Kahalikan nya ngayon si Belle.

"Babe naman. Ako ang nauna. Satisfy me first." Malanding sabi ni Belle.

"Okay, later babe. Sa condo ko." Sagot nya at halik ulit.

"Tss. I'm so out of this." Sabi naman nong isang lalaki sa tabi.

"Oh c'mon Neil bro'! We're all in this together. Diba pareng Stephen?" Sabi nung Dylan ata.

"Yeah." Sang-ayon nung Stephen.

"I already told you that I don't wanna be into this crazy pranks again---"

"Shut up Neil! Say something at baka nakalimutan mong..." Cindy.

"Yeah yeah. Whatever." Umupo na lang sya sa tabi, yung Neil.

"So, tapos na kayo sa mga dialog nyo? Grabe kayo! Story nyo to ha? Story nyo?? Ikaw Ariella, wala kang sasabihin?" Cindy.

"Wala na lang =_=" Ariella.

"Ehemm. So, ano na Catherine? Tatahimik ka na lang dyan? Saan na ang palabang transferee, huh? Ang lakas ng loob mo." Cindy.

"At least 'di ko kailangan ng iba para lang lumaban. Weak ka pala." Pang-iinis ko kahit tuloy pa rin ang lecheng luha ko sa pagtulo. Na'trauma na rin siguro ako sa falling vase na yun.

*Pak*

"Bitch!" Singhal nya matapos nya akong sampalin ng pagkalakas-lakas. Napaupo na lang ako sa sahig at napahawak sa pisngi ko na sobrang hapdi.

"Cindy! That's enough. Stop it." Yung Neil.

"Don't stop me Neil. Manood ka lang." Cindy na ayaw magpa-awat.

Napasabunot na lang sa sarili nyang buhok si Neil.

*Pak*

"That, is for being such a stupid bitch with stupid bravery to go against me!"

*Pak*

"That, is for flirting with my boyfriend!"

"Cindy!"

*Pak*

"And that! Is for--uhmm--ano pa nga ba?? Hmm. Trip lang? Hahaha."

"Hahahaha!" nagtawanan na rin ang iba pa nyang kasama except dun sa isa.

Napayuko na lang ako sa sobrang sakit ng pisngi ko. Wala ng tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Ang sakit. Hindi ko na kaya.












"WHAT THE HELL'S GOING ON IN HERE?!"

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-

Just done retyping this chapter. Nawala kasi to eh.

Geh! Bye :)

Follow|Vote|Comment|Share

@debgoddess

Fate's Twist in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon