A/N: Hello! Pasensya na sa paghihintay. Bumabawi na 'ko. Haha. Sana maintindihan niyo. Hope you'll like this chapter! Enjoy reading!
Quote of the day:
• A woman can't change a man because she loves him. A man changes himself because he loves her.
*******
Pearl Danielle's POV:Umiiyak ako habang hinihintay ang sasabihin ng doktor. Natatakot ako. Baka kung anong sabihin niya. Baka sabihin niya ang kinakatakutan ko. Anong gagawin ko? Ang sakit kasi. Bat ba kasi ang tanga-tanga ko?
"Ang pasyente ay... wala na. Hindi na niya nakayanan ang operasyon. Pasensya na." Sabi ng doktor na siyang dahilan ng pag-iyak ng lahat.
"Doc, why? Do everything! Please. Doc, I love him! Kailangan ko siya, Doc!" Sigaw ko habang pinipigilan naman ako ni kuya.
"Huminahon nga kayo. Hindi siya ang doktor ni Darren." Kalmang sabi ni Jayshin.
"Ano?" Sabay-sabay naming tanong sa kanya.
"Nagkakamali ka yata Doc? Baka hindi kami ang pamilya ng pasyente na inoperahan niyo?"
"Ang pasyente ko ay si Mr. James Smith. Hindi ba kayo ang pamilya niya?"
"Hindi po. Si Darren Stanley ang pasyente namin." Inis na sagot ni Jayshin.
"Ah. Pasensya na po kayo. Siguro sila ang pamilya ng pasyente. Maiwan ko na po kayo. Pasensya na ulit." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng doktor.
"Ang OA mo Pearl." Sabi ni Jayshin.
"Natural sabihin ba naman ng doktor na patay na siya!" Sagot ko.
"Kami nga anak hindi humagulgol sa iyak eh." Sabi ni tita.
"Krizlee, ipagtanggol mo nga 'ko."
"Pfftt. OA ka lang talaga."
"Pati ba naman ikaw? Kuya..."
"What? You're just overreacting."
Ilang oras pa ng paghihintay ay dumating din ang doktor ni Darren. Hindi 'yung impostor na doktor niya ha. Yung totoo talaga. Jusme, mawawalan na sana 'ko ng malay kanina sa sinabi niya eh. Pero naudlot kasi di naman pala si Darren ang namatay. At natutuwa naman ako 'don syempre. Hehe. Inilipat na daw siya sa kwarto kaya pupuntahan na namin siya ngayon.
"Aray ko. Nurse, dahan-dahan nga. Baka lalo akong mapilayan sa ginagawa niyo eh. Tch." Dinig naming pagrereklamo niya.
"Sir, kailangan po kasing lagyan nito para mabilis na gumaling kayo pati na 'yung mga sugat niyo."
"Oo na. Huwag mo na 'kong titigan. Alam kong gwapo ako. Pero huwag mo 'kong pagnasaan. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mong nurse ka."
"Mister, kahit naman bading ako maganda ako noh."
"Umalis kana nga! Nakakawala ka ng lasing. Ampangit mo." Muntik na kaming matawa sa inasal niya. Nakasimangot namang lumabas ang nurse sa room niya at nginitian kami ng pilit. Bakas sa pagmumukha niya ang inis.
"Darren, anak ko. Kumusta ka?" Sabi ni tita pagkapasok namin sa kwarto niya.
"I'm fine mom. Don"t worry."
"Bat ka ba kasi nagpapakalasing na bata ka kung hindi mo kaya? Tingnan mo, nagkanda-pilay ka. Puro gasgas ka din. Huwag mo ng uulitin 'yon." Sabi ni tito.
"Yes dad. Sorry for that."
"Pasalamat ka at 'yan lang ang natamo mo. Pinag-alala mo kami ng sobra bata ka."
BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Teen FictionHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...