Ako si Jamie freshman college this school year sa University of Santo Tomas. Dalawang taon na ang nakakalipas noong umaasa, umibig at nasaktan. Second year highschool ako noong mga panahong iyon, Mahilig ako sumali sa mga games ng pages sa Facebook, Scroll up dito scroll down doon. Walang ginawa kundi magrefresh ng page na halos pudpud na yung f5 kakarefresh. Yung talo pa yung cheetah sa pagtytype maka-una lang ng sagot sa question at ma-plug sa page. Puro ganun lang yung ginagawa ko ‘pag walang laro sa online game na pinagkakaabalahan ko. Hindi ako mahilig lumabas ng bahay kasi takot ako makipagkilala sa mga tao.
Summer noon, May nagpost sa page.
“Maraming poser dito sa page na to. Hahaha “
Agad agad naman ako nagreply dun sa post nya … “Baka ikaw yung poser :P”
At tulad ng ibang post syempre marami ng mga sumunod na nagcomment. Nagulat na lang ako inadd ako sa Facebook nung nagpost. Siya si Chris, taga-Spain pero Pinoy din katulad ko, mas matanda lang siya sa akin ng isang taon. Inaccept ko kasi nakita ko yung picture gwapo! Kahit sino namang babae siguro i-aaccept basta gwapo yung nag-add diba. Medyo naging crush ko na siya nun. Tinignan ko yung “about me” nya. Pareho kami ng hometown! Naisip ko tuloy .. “Wow! Eto na ba yung destiny na tinatawag nila? :D”
Mga 11 mins after ko siyang i-accept, nagchat siya sa akin.
“Poser ka noh?”
“Ha? Anong poser? Hindi ako poser. Sa mukha kong to, poser pa ba ang tawag dito? Baka monster Hahaha!”
“Ganda kasi ng kuha mo dyan sa profile picture mo =) “
“Nako, Salamat ha =)”
Natapos na nga ang aming usapan. Natuwa ako kasi nagandahan pala siya saken. Di naman kasi ako kagandahan na tulad nina Chua, Sam Santiago at Donnalyn Bartolome. Simpleng ganda lang pero multi-talented naman! Kaya may laban din kahit papaano. Sobrang saya ko nung araw na yun dahil nakilala ko siya. Di ko alam, Tinamaan ata ako ng matinde sa kanya. Kinabukasan, Pag bukas ko ng Fb, Online siya. Siyempre, di ako nagchachat, Nahihiya ako na maunang mag “hi” kasi baka di ako pansinin, Gwapo eh, sigurado maraming kachat yun. Nagulat ako ng biglang may nagpop-out…
“Hi =)”
“Hello”
“Taga san ka?”
“Bacoor, Cavite ^^ “
“Wow! Pareho pala tayong taga-Cavite.. taga-Rosario lang ako ^^”
“Naks! (gusto ko sana itype na meant to be kami kaya lang nakakahiya haha.) Nasa Spain ka pala? Gano ka na katagal dyan? ^^”
“Matagal na, mga 12 ata ako noong pumunta kami dito ^^”
“Ahh, Matagal ka na pala dyan ^^”
“May skype ka? “
“Wala eh, Magdodownload palang =)”
“Sige, Pm mo ako ah, Wait ko yung skype mo, Para magkakausap tayo at makita kita cam to cam, baka poser ka eh Hahaha!”
“Hindi nga ako poser! Kulit nito Hahaha”
Agad agad ako nag New Tab. Nag download ng skype. Mas mabilis pa ata ako sa cheetah sa pag dodownload at pag gawa ng account sa skype kahit hindi ko alam kung ano ba yung pinagtytype ko dun. Masyado akong excited makita siya cam to cam. Nag-pm na ako sa kanya at sinabi yung username ko. Bago palang ako sa skype at walang kaalam alam, kaya siya yung nagturo sakin kung paano. Edi nag video call na siya sa akin. Sinagot ko naman. Medyo dyahe yung pag-uusap namin kasi marami pa palang aayusin sa settings, nung medyo ayos ayos na. Pinatay ko yung ilaw sa kwarto ko at tinakpan ko muna yung camera ko kasi nahihiya ako magpakita. Napanganga ako sa nakita ko di ko akalain na mas gwapo pala siya sa video. Kinilig ako sa totoo lang. Bigla siya nagchat…

BINABASA MO ANG
Love at Website
RomanceNag-umpisa sa FRIENDS, nagsabihan ng I LIKE YOU, napunta sa I LOVE YOU, nagtapos sa THANK YOU. Online ka. Online siya. Di ka niya pinapansin. Logout na! :)