1

13 0 0
                                    

1.

Yes! Tapos na rin sa wakas ang cleaning project namin. Pwede na akong maggala nito.

"Sistah! Tara gala!" sabi ko kay Jadel, isa sa aking mga close friends.

"Bakla! Gagala na naman tayo? Eh kagagala lang natin kahapon ah?"

"Ikaw naman, sistah! Di ka pa nasanay jan!" sabi naman ni Gabz. Isa rin yan sa close friends ko.

"Hmp. Wag na nga kayong magreklamo! Bahala kayo walang libre-libre ah." inirapan ko pa sila. Ang dami kasing angal eh.

"Tara na nga magalit pa yang si Ellen eh." si Angel yun.

"Tamah!" si Jadel at Gabz.

Dumaan muna kami sa mga shopping stalls. Syempre eto lang naman ang gawain ko dito sa SM. Kakain sa KFC, McDo at kung saan saan pa.

Pero talagang trip naming magkakaibigan ay ang Supermarket. Dito kasi kami nagha-hunting ng mga boys. Oh di ba? Kalalandee. Hahaha.

"Ayan na ayan na!" siniko pa ako ni Angel.

Tiningnan ko naman yung lalaking sinasabi niya. Enebeyen ayoko dun. Sabihin mo ng choosy ako noh.

Madami pang dumaan na mga boys sa harap namin. Nakakairita tong mga toh, dapat pala di ako nagsama eh.

Ang ingay nila. Grabeh! Oo na madami kasing pogi. Tapos may RUNCAV pa. Andaming tao eh.

"Uy, doon muna tayo sa Supermarket. May pinabibili din kasi si Mommy sa akin. Pati si Tatay."

I know nagtataka kayo kung bakit ganun ang tawagan ng ina at ama ko. Ewan ko din dun.Hahaha. joke lang tito at tita ko yun. Yung nanay ko talaga eh mama yung tawag ko. ^^.

"Ayan!!! Sabi na Supermarket lang ang katapat mo. May ano ba dun?" tanong ni Angel.

Di kasi siya kasama nung pumunta kami sa SM kasama si motherhood, mother ni Jadel.

"Walaaaa!" sabay sabay naming sabi nila Gabz at Jadel. Saka nagbungisngisan.

"Hmp.!"

"Gora na teh!" ay putek! Inunahan ako ng beking yun ah. Tiningnan ko yung beki. Ano ba naman yan 14 lang ata eh, nagladlad na?

"Hay naku! Andito daw si Takehumi Galarion?!" narinig ko pang sabi nung isang beki.

"Talaga?!! Where?" yung isa pang beki.

"Tara na nga mga sistah! Ang pollution oh." sabi ko pa. Hahaha, trouble-maker po ako.

"Okay!"

I Need AirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon