The Black Shoelace (One Shot)

954 26 11
                                    

To: Masen_08@gmail.com

From: BlackShoelacegirl@gmail.com

Sent at: 7:28 on 14/02/12

Subject: umm... it will be awesome kung mababasa mo 'to

Hello!

Wait! Gusto ko lang malaman mo na hindi ito chain message (yung tipong "Mamamatay ka pag hindi mo ito nai-pass sa 10 tao sa loob ng isang oras"), spam, etc.

At bago mo isipin na isa akong nakakatakot na stalker, nakuha ko lang ang e-mail mo sa facebook.

Okay, game na! Ummm.. ine-mail lang kita kasi gusto ko lang malaman mo na gustong gusto talaga kita. As in SUPER TALAGA! Don't worry, hindi mo naman ako kilala personally. At wala rin naman akong balak na sabihin sa harap mo (shet, hindi ko nga kayang tumingin sa mata mo eh! Pinanganak kaya ako na walang self-confidence). Baka sabihin mo lang na napaka weird ko or isa akong freak.

I just wanted to let you know kasi.. well, hindi ako sure kung bakit pero since it's valentines day. Diba yun yung ginagawa pag valentines day.. I guess? Pero hindi naman ako nage-expect ng kung ano man from you.

To be honest, hindi ko maisip kung pano ko sasabihin sayo 'to ng hindi nagmumukhang engot, obsessed na teenager, or nagsa-sound na corny.

Oo nga pala, batchmate ako ng sister mo kaya alam mo na ngayon na hindi talaga ako isang weird na tao na patambay-tambay lang dyan sa kanto.

By the way, hindi ko alam kung may nakapagsabi na nito sayo (kahit alam ko naman talaga na maraming nakakapansin) or alam mo na since birth, pero ang ganda-ganda talaga ng smile at buhok mo. Pero wag mong ipapagupit, kahit ganyan na sya kahaba, kasi mas bagay sayo! You look so AMAZING (Grabe makalaglag panty! Alam ko na hindi magandang pakinggan pero totoo talaga yon). So, as I was saying... ang ganda talaga ng smile mo kaya don't forget to smile (ano bang toothpaste ang gamit mo? Hahaha! joke lang ha, wag mo ng sagutin kasi hindi naman talaga ako weird na stalker eh).

Ahhhh, well, hindi ko naman talaga alam kung babasahin mo pa hanggang dito eh. Hindi nga din ako sure kung babasahin mo talaga 'to in the first place. AND hindi pa nga rin ako sure kung kaya kong pindutin yung send button.

I think titigil na ako kadadakdak bago pa ako mag-start magsabi ng irrelevant things na makapagpapahiya sakin kahit hindi mo ako kilala. Or baka ma-bored ka na rin.

Kung binasa mo hanggang dito, THANKS talaga sa pakikinig (or sa pagbabasa). Feel free to reply kung gusto mo! 😊

Hopefully, you've gotten something from this message tulad ng 'lagi kang mag-smile'. Hindi ako nagpaka-engot dito para lang sa wala, kaya..

"DON'T FORGET TO SMILE."

Pasensya na sa abala.
Alam kong paulit-ulit na ako pero... 'Keep Smiling' 😊

- Black Shoelace Girl

***

To: BlackShoelaceGirl@gmail.com

From: Masen_08@gmail.com

Sent at: 10:15 on 14/02/12

Subject: RE: umm... it will be awesome kung mababasa mo 'to

Hi 😊

Wow. Thanks sa message mo. Wala pang nakakapag-sabi sa'kin nyan. It really made me smile. 😉

Black Shoelace Girl eh? Interesting. Sisimulan ko na bang maghanap ng black shoelace pag nagdala ng friends si Audrey dito sa bahay.. or is it a code?

The Black Shoelace (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon