♥Chapter 13♫

401 13 7
                                    

Sorry for the late update. Si author niyo kasi hindi tumitingin sa dinadaanan yan tuloy nangyari napilayan pa. Itawa na lang natin ang nangyari hehehehehhe. By the way ito na ang pinakahihintay ni @SpiderGirl_TDH!!! Hope you'll enjoy this chapter.

SInong nakapanood ng teaser ng Got To Believe? Nakakakilig noh!!!!! Hehehehe naalala ko tuloy yan dapat ang title ko.

Vote...

Comment....

Be fan......

__________________________________________________________

Happiness is always matter of choice.

If you want to feel it, then choose the one that perfectly define it..

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Francis' POV

Nagtext sa akin si  Arnold kagabi na magkikita-kita daw kami sa school ngayong Sabado. May practicum kasi kami sa Music. Pagkadating ko sa school ay nakita ko na sila agad. Mukhang ako na lang kulang. Kumaway naman si Arnold.

"Ayan kumpleto na tayo, pwede na siguro magsimula", panimula ni Arnold.

"Tungkol saan ba yung practicum?....", tanong Nina.

"We have to mash up an OPM Song...", sagot ni Ella. Siya kasi ang Leader namin.

"Ano?! Mash Up ng OPM song, mukhang mahirap yan..", sabi ni Nina.

"Oo nga, kalimitan sa mga naka-mash up na songs ay english, wala pa naman akong alam sa mga kantang ganyan...", sabi naman ni Arnold, "Ikaw Francis, may ideya ka ba, sa ating lahat ikaw ang marunong kumanta..", baling niya sa akin.

"Hindi lang naman ako ah, kahit si Ella marunong kumanta", angal ko naman. Tumungo naman si Ella na parang nahihiya sa sinabi ko.

"Talaga Ella?! Marunong ka pala bakit hindi ka namin naririnig kumanta?", tanong naman ni Catherine. Ngumiti na lang siya bilang tugon.

"So ano, paano natin sisimulan 'to?", tanong ni Nina

"Sandali, magtatanong ako 'kila Kuya", at agad ko namang tinawagan si Kuya Khalil. Sa aming apat siya ang magaling sa ganito.

"Hello, Francis napatawag ka....", si Tita ang sumagot.

"Si Kuya khalil po?"

"Ah ayun nasa harap na naman ng computer. Naglalaro ng dota ba iyon....? Ewan ko nga  ba sa batang yun. Sandali lang at tatawagin ko..."

The Love Behind MusicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon