Siguro

25 1 0
                                    

Sana may magbasa nito. Sorry kung pangit. Waaa :( =))

---

LOCKER ROOM

Pumunta na agad ako sa locker ni Kevin. Ilalagay ko na yung cookies na lagi kong binibake para sakanya. Di ko nga alam kung kinakain ba niya 'to, o tinatapon lang. Siguro hindi siya nasasarapan kaya pinapamigay lang niya.

Umupo muna ako sa bleachers sa likod ng locker. Matagal pa naman bago magtime, tatambay muna ako dito.

Tiffany Aguas nga pala. 4th year higschool. Kabatch ko yung love of my life. Si Kevin Navato. Kaso lang sa first section kasi siya, second ako. Hindi din kami close. Paano naman kasi niya ako mapapansin kung andaming mga babaeng nakapalibot sakanya. Gwapo kasi si Kevin, matalino. Matangkad. MVP ng school namin. Vocalist ng official band ng school. Oh diba, nasa kanya na lahat.

Ano namang laban ko sa mga magagandang dilag na nililigawan niya? Isa lang akong hamak na top 1 ng section namin. Morena ako, matangkad, nakabraces pa. Magmumukha lang akong alalay kapag ikukumpara ako sa mga nililigawan niya.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi mo ba alam na flag ceremony na." inangat ko yung ulo ko.

DUB. DUB. DUB.

Si K-kevin. Nakasandal siya sa likod ng locker habang nakapamulsa. Gwafuuuu *u*

"Ang sabi ko, anong ginagawa mo dito?" tanong niya ulit.

"A-ano tumatambay lang ako." uutal-utal kong sagot. Kinuha ko na yung mga libro ko at tumayo. "Sige una na ako."

DUB. DUB. DUB.

Hinawakan niya yung kamay ko. Sheez, mahihimatay na ako. Tulong X)

May inabot siya saking box. "Cake yan. Bigay sakin nung mga babae sa labas. Sa'yo nalang. I prefer home-made cookies kesa sa cake."

Inabot ko yung cake.

I prefer home-made cookies kesa sa cake

Oh dubuuuh? Cookies daw ang mas gusto niya.

"A-ah. Thanks." saad ko sabay ngiti. Ngumisi lang siya sakin. "Alis na ako."

Tinanggal ko na yung pagkakahawak niya sa kamay ko. Sa totoo lang ayoko pa nga alisin yung pagkakahawak niya, kaso lang baka mahalata ako.

DUB. DUB. DUB.

Hinawakan niya ulit yung kamay ko. "B-bakit?" tanong ko.

Kinuha niya yung mga hawak kong libro at napakamot siya sa batok niya. "Sabay na tayo." tumango nalang ako at nagsimula na kaming lumakad palabas ng locker room.

"Waaaaaa. Bakit niya hawak kamay ni Tiffany?"

"Ang gwapo mo Prince Kevin."

"Swerte mo Tiffany."

Nagulat ako kasi ang daming mga babaeng nasa labas ng locker room. Bumitaw agad ako sa pagkakahawak niya at nagsimulang maglakad papunta sa classroom. Iniwan ko na siya dun, baka kasi gulpihin ako ng mga babae dun.

Umupo agad ako sa upuan ko sa may tabi ng bintana.

"Girl. Anyare bakit di ka umattend ng flag ceremony?" tanong ni Krcent. Bestfriend ko.

"Ano, may ginawa lang kasi ako."

"Tumambay ka na naman sa locker room noh?" tumango lang ako. "Ano ba kasing ginagawa mo dun?"

SiguroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon