Baka nga hanggang ngayon ikinukubli ko ang sakit na minsan ko nang naramdaman.
Baka nga hanggang ngayon naaapektuhan ako sa bawat ikinikilos mo.
Baka nga hanggang ngayon takot akong maramdaman muli ang sakit na minsan ko nang dinanas.
Baka nga hanggang ngayon hindi pa rin tapos maghilom ang mga sugat na dinulot mo.
Ang sarap isipin na mahal pa rin kita.
Ang saya iparamdam na ipaglalaban pa rin kita.
Ngunit ang saklap isipin na wala nang patutunguhan ito.
Ang sakit maramdaman muli ang pagdurusa na dinulot mo.
Ayoko nang balikan pa ang minsan ay inakala kong tunay na pag-ibig.
Gusto ko nang ihinto ang anomang ugnayang maaaring mamagitan sa atin.
Tama nang minsan kong sinubukan,
Ang lumaban kahit na sa huli at kahit kailan ay di ko mapagtatagumpayan.
BINABASA MO ANG
Oras at Tagpuan
Short StoryOras at Tagpuan. Koleksyon ng mga tula at maikling kwento.