Hindi naman talaga ko tamad ayoko lang gumalaw o kumilos (sabagay ganun na rin yun) Lagi talaga akong nadadapuan ng katamaran buti nga naitype ko pa to sinipag din kahit minsan.
Nakakatanga lang minsan sino ba talaga mas tamad? yung nanguutos oh yung inuutusang ayaw sumunod di ba nakakalito minsan mas pinapagalitan pa yung ayaw gawin yung inuutos.
Kahit minsan hindi ako naglalaba ang mama ko lang ang gumagawa para sakin bakit? kasi nga tamad ako.
Ayoko rin gumala masakit sa paa napaka init pa ng panahon summer malamang mainit may summer bang nagyeyelo ang panahon.
Pagiinom ako ng tubig nako ayoko ng kumuha ng baso ung lalagyan ng tubig rekta inom na ako katamad kaya tapos pagkatapos gamitin ang baso huhugasan mo pa oh di ba tunggain na lang.
Mas masaya manuod ng TV kaysa maglaro ng PS3 nako igagalaw ko pa mga daliri o buong kamay ko manuod na lang ng TV mata lang ang gamit pero ako kontento lang sa isang channel kakatamad kayang maghanap ng magandang channel.
Pag ako nakahiga na nako babagsak agad mga mata ko kakapagod (kahit walang ginagawa) hirap ding huminga no.
Pagkumakaen, lagi kong namimiss ang pagkabata ko kasi gusto kong subuan ako lagi kakatamad din kumaen habang hinuhukay ang kanin at ulam na dadalhin sa bibig mo katamad po kaya.
Sarap sanang pumunta ng mall pag mainit ang panahon kasi unli aircon kaso nakakatamad.
Masarap ding bumili ng halo-halo lagi kaso nakakatamad,
Ayoko sa CANDY kasi nakakatamad muyain gagalaw pa bibig ko katamad kaya,
Naitype ko lahat to!? wow ha :)
~itutuloy na lang next time katamad eh