Chapter Eighth - Unexpected Presents

453 19 2
                                    

“HOY, Zayana. Heto, mag-shopping ka kung gusto mo. Basta umuwi ka ng maaga kasi may marami akong order ng cake ngayon,” masungit na wika ng Auntie Betty niya mapatapos siyang bigyan ng isang libo. And speaking of her aunt’s new business, medyo in demand iyon sa mga friends and colleagues nito. Bumili pa talaga ito ng bagong oven.

            “Auntie, para saan naman ito?” nagtatakang tanong niya rito.

            “Bingi ka ba? 'di ba sabi ko pang-shopping mo? Gaga.”

            Ouch! “Eh, bakit nga po? Ano po ba’ng okasyon?” Nakapagtataka lang talaga. For the first time, ngayon lang siya binigyan nito ng ganoong halaga to think na pang-shopping lang. Hindi kaya sinapian ito ng generous na ligaw na kaluluwa? Kung ganoon ay dapat magpasalamat siya sa ispiritung iyon.

            Napa-‘aray’ siya nang hindi oras nang dutdutin nito ang noo niya. “Ulyanin ka na ba? Kaarawan mo ngayon gaga ka. Ano’ng klaseng tao ka? Pati birthday mo kinakalimutan mo na.”

            Seriously? Birthday pala niya ngayon?

            Agad niyang tiningnan ang calendar sa cellphone niya. Birthday nga niya. Siguro dahil sa sobrang busy niya nitong mga nakaraang araw at sa mga samut-saring kaganapan ay nakaligtaan na niya ang kaarawan niya.

            Dahil sa sobrang tuwa ay niyakap niya ang auntie niya. Kahit napakasungit ng Auntie Betty niya, kahit tambak ang mga iniuutos nito sa kanya, kahit mukha itong luka-luka at kahit hindi siya nito masyadong kinakausap, hindi pala nito kinalimutan ang birthday niya. She was still good at heart. Natawa na lang siya nang sa halip na yumakap din ito sa kanya, kinurot lang siya nito. Nandidiri daw kasi ito sa ka-corny-han niya.

            “O siya, mauna na ako. I-lock mo nang maigi itong bahay kung aalis ka na. Bibili lang ako ng ingredients. Bumili ka ng magarang damit.”

            “Sige Auntie, thank you po talaga.”

            Inismiran lang siya nito bago ito lumabas ng bahay.

            Napatingin siya sa dalawang libong piso. Ibig sana niyang sundin ang auntie niya pero mas maigi kung ipapang-capital niya iyon. Matagal na kasi niyang napagplanuhan na magnegosyo sa cafeteria.

            Hindi na siya nagtagal sa bahay nila at nagpunta na siya sa cafeteria. Half day lang sila ngayon kasi may event daw doon at may memorandum na bawal na magtinda roon. Tanghali na nang matapos sila sa cafeteria. At dahil mamayang two o’clock pa naman ang klase niya, naglakad siya palabas ng university. Sasaglit muna siya sa mall para mag-window shopping. Subalit mukhang hindi na matutuloy ang plano niyang iyon dahil kay Kobe. He’s fast approaching her.

            “Zaye, wala ka bang class?” hinihingal pang wika nito.

            “Wala. Pero mamayang two mayroon. Busy din kasi ako ngayon.”

            “Good. Sige ganito na lang. May class pa kasi ako ngayon kaya mamayang five-thirty, magkita tayo sa park. I just need some advice.”

            “Okay.”

            Tinapik lang nito ang balikat niya at kinindatan gaya ng nakaugalian nito. Pagkatapos ay nagtuloy na ito papunta sa classroom nito.

            “Ano na naman kaya ang problema n’on?” tanong na lang niya sa sarili.

            “Ate?”

Little Things (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon