ARIEL contained no more drive to study his lessons so instead of going to the library he decided to roam around the Elmswood University Park. He was so bothered and still preoccupied. Wala na siyang ibang sisisihin dito kundi si Zaye.
Ito rin ang dahilan kung bakit hindi siya makatulog ng maayos kagabi. Hindi kasi niya mawaglit sa isipan ang kahihiyang ginawa niya at ang estrangherong pakiramdam na hindi niya magawang pangalanan. At ngayon, iniisip na naman niya ito. Ang dami nang katanungan sa isip niya. Kung may gusto pa ba siya kay Methus o na kay Zaye na ang atensyon niya. Basta, hindi niya alam ang isasagot niya. He was unsure and baffled.
Naupo siya sa bakanteng bench na naroon. Pagkatapos ay pinagmasdan niya ang paligid. Wala namang masyadong tao roon. Mayroon lamang iilang estudyante na nagre-review at nag-uusap. Napabuntong-hininga siya. Kahapon pa lang sila nagkausap ni Zaye pero namimiss na niya ito.
Oo, hindi na siya magpapaliguy-ligoy pa. He missed her and he was having this urge to visit her in the cafeteria but he didn’t let that bizarre feeling budge him. Parang nasanay na kasi siya sa presensya nito, sa kakulitan nito at sa pagkamaingay nito. He remembered those ridiculous moments he had with Zaye and it didn’t fail to make him smile. Everything was a mess but went worthwhile and remarkable for him.
Wala sa loob na nahilamos niya ang mukha gamit ang kanyang mga palad. Whether he would like it or not, he was getting more attached with her. It was wrong considering that he still has feelings for Methus but why thinking about Zaye felt so right? Posible bang magkagusto ang isang lalaki ng sabay sabay sa dalawang babae? He must be totally out of his mind.
“What’s with the face?”
Napalingon siya sa pinagmulan ng boses at nagulat na lamang siya nang malamang si Methus iyon. She was smiling at her. Mukhang totoo nga na wala na itong galit sa kanya. Nagkaayos na kasi sila noon sa birthday nito. Natuwa pa nga siya dahil akala niya magkakaroon na siya ng pag-asa dito pero nilinaw nito sa kanya na wala talaga.
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya maintindihan pero mukhang disappointed siya na ito ang lumapit sa kanya at hindi si Zaye.
“Parang disappointed ka yata na nandito ako?” 'Diyata’t nabasa nito ang nasa isip niya. “Sorry sa istorbo.”
“No, no... I’m just, you know...” Teka, ano bang idadahilan niya?
Akala niya nagtatampo ito pero narinig niyang bahagya itong tumawa “Are you waiting for somebody else to come? Let me guess, is it Zaye?”
Damn. “Methus, alam mo naman siguro na sa iyo lang ako nagkakagusto at hindi sa kanya.”
Bigla itong natahimik. Parang tinatantiya siya nito o mas angkop na sabihing inaanalisa nito ang sinabi niya. “Huli ka! Hey, wala naman akong sinasabi ah. I’m just asking kung siya ba ang hinihintay mo. Pero kung maka-react ka parang may tinatago ka.” Tuya nito. “Tinamaan ka sa kaibigan ko 'no?”
Now he was totally annoyed. He could feel his cheeks burning. “Please, wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mo. Pwede mo namang sabihin na talagang ayaw mo sa’kin kaya hindi mo ako magawang sagutin. Look, I’m waiting for your ‘yes’ for how many years pero heto, nirereto mo pa ako sa ibang babae.”
Methus rolled her eyes. “Duh... Alam mo kasi, kaibigan lang talaga ang turing ko sa iyo at kung sakali na higit pa roon ang nararamdaman ko para sa iyo, mukhang mahihirapan naman ako. Alalahanin mo nang magkabati tayo sa birthday ko, wala ka nang ibang bukambibig kundi si Zaye. And you can’t blame me if I concluded that you’re somewhat attached to her emotionally. Sorry to be frank pero sarili mo lang ang niloloko mo. You keep on convincing yourself that you still like me even if it is not.”
BINABASA MO ANG
Little Things (Completed)
Teen FictionA novel written by SerialKillerAuthor Genre: Teen-Fiction, Romance Synopsis: Ariel claimed to himself that he liked Nikka, ignoring the fact that he has no chances with her. But suddenly, may nakilala siya. A feisty go-getting girl na sa kabila ng p...