DARKMAN

114 1 0
                                    

HIGH SCHOOL PA LANG ANG AKING PINSANG SI JANE, panganay sa dalawang anak na babae ng aking tita neneng. Sa mga kamag-anak namin sa side ng nanay ko, sila lang ang nanatili sa bukid, sa lumang bahay ng aking yumaong lolo. Ang ibang mga kapatid ng aking nanay ay nagsitira na sa baryo gaya namin.

Isang umaga ay nag-iigib sa poso ng pampaligo si Jane. Inaantok pa siya dahil madaling araw na siyang nakatulog. Araw-araw, mula Luns hanggang Biyernes, ganito ang gawain niya. Maagang magigising, magluluto ng almusal, maliligo, at maghahanda para sa pagpasok sa eskuwela na may kalayuan. Habang nag-iigib ay patingin-tingin siya sa bukid. Ang bahay kasi nila ay nasa tabi ng isang lagunang hinukay pa noon ng aming lolo. Napansin niya ang isang may 4 na talampakan ang tangkad at maitim na lalaki sa tabi ng laguna, nakasandal sa puno ng mangga, nakatingin sa laguna na parang may pinagmamasdan doon. Hindi kilala ni Jane ang lalaki. Kahit nakatagilid ito sa kanya ay sigurado siyang noon lamang niya ito nakita. Kung iisipin, lahat ng mga tao sa bukid na iyon hanggang sa baryo namin, magkakakilala ang mga tao. Ang unang pumasok sa isip ni Jane ay baka pugante ang lalaki. Takas sa isang kulungan at napadpad sa bukid para magtago. May mga pangyayari na kasing ganoon dati na may mga takas na bilanggong napadpad sa bukid namin. Sa takot ay napatakbo si Jane sa loob ng bahay. Isinumbong saken ni tita neneng, na dali-dali namang lumabas, na may dalang itak. Pero hindi na nila naabutan ang lalaking itim.

Nagkaroon na ng ideya si tita neneng na hindi tao ang lalaking itim dahil napakabilis naman nitong nawala. Wala namang mapagkukublihan. Nagsisigaw si tita neneng.

"Mga halimaw! Hwag nyong kaming takutin dahil matagal na kami dito!" Kinagabihan ay napaniginipan raw ni Jane ang lalaking itim. "Bakit ka tumakbo kanina?" ang tanong sa kanya ng lalaki. 

Iyon lamang at nagising na si Jane. Takot na takot, ikinukwento niya kay tita neneng ang napaniginipan. Nag-alala naman ang Tita ko na baka may nagkakagustong lamang-lupa kay Jane kaya tumawag sila ng albularyo. Ang sabi ng albularyo ay meron ngang malignong umaali-aligid kay Jane. Kaya dinasalan at inorasyunan nila si Jane at binantayan buong magdamag.

Hindi na nagpakita pa ang lalaki mula noon.

DARKMANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon