"Life Support"
(Maine Mendoza - Alden Richards Fan Fic)
Alden's POV
Bakit tayo nagkaganito?
Bakit tayo umabot sa ganitong sitwasyon?
Lahat naman ginawa ko para manatili siya sa akin pero kung bumitaw na siya at ako nalang ang kumakapit, ako rin ang talo sa dulo.
"Hanggang dito nalang ba tayo?"
"Oo." walang emosyon niyang sabi sa akin habang hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"Akala ko ba ako lang ang mahal mo? MAINE forever tayo di ba?"
"Kulang Alden e. Hindi na kita mahal."
"What? Kulang? Ano ba ang kulang sa akin na nabibigay niya sa'yo? Gagawa ako ng paraan para hindi na maging kulang. Sabihin mo naman please. Para naman hindi mo na 'ko wan at ipagpalit kay Frankie na yan."
"Hindi ko rin alam e. Please. Maghiwalay na tayo. Kailangan ko 'to. Kailangan mo rin 'to."
"Mahigit dalawang buwan, Maine. Mahigit dalawang buwan tapos itatapon mo lang sa pitong araw na nakasama mo siya? Ganun nalang ba ha? Ganun ba kadaling itapon at kalimutan para sa'yo lahat ng pinagsamahan natin?"
"Alden, please, let me go. Let's break up now. I want to be happy. I want to live the rest of my life with her. I'm not happy anymore with you. Please. Magbreak na tayo."
I'm not happy anymore with you.
I'm not happy anymore with you.
I'm not happy anymore with you.
Habang nagmamakaawa ako na huwag niya akong iwan, siya naman nagmamakaawang maghiwalay na kami para makasama na niya si Frankie. Hindi ko pa rin matanggap na mawawala nalang bigla, sobrang bilis ng mga nangyari. Bigla nalang na ayaw na niya sa akin, na may iba na siyang mahal, na parang balewala lang sa kanya lahat ng pinagsamahan naming, na iiwan na niya akong mag-isa.
BINABASA MO ANG
Life Support (Alden Richards - Maine Mendoza Fan fic)
Fiksi PenggemarEnjoy reading!!!