Chapter 25-I can't stay.

95 2 0
                                    

*****

Nakatayo ako ngayon sa labas ng kwarto at pinagmamasdan ang lalaking mahal ko na nag-aagaw buhay.. 

Kenn.. Hindi ko namalayan basa na pala yung damit ko dahil sa mga patak ng luha na nanggagaling sa mga mata ko. Hindi ko na kinaya ang mga nakikita ko kaya pumunta ako sa chapel. Hindi ako ganun kalapit sa kanya pero siya nalang ang malalapitan ko sa mga oras na ito.. Diyos ko po.. Parang awa niyo na po.. Iligtas niyo po siya.. Ako nalang po, please.. Ako nalang po ang ilagay niyo sa sitwasyon niya. Mahal na mahal ko po ang lalaking yun.. Parang awa niyo na po.. 

Tuloy parin ako sa pag-iyak at wala na akong pakialam sa mga taong tumitingin sa akin."Sister, pst." may kumalabit sa likuran ko, si bee pala.

Pinunasan ko yung mga luha ko bago ako humarap kay bee,"Bee..." yun nalang ang nasabi ko. Masyado na din akong napagod sa kaka-iyak. Magsasalita pa sana si bee kaso bigla nalang nagdilim ang paligid ko..

*****

Someone's POV

"Nagawa mo na ba ang inuutos ko?" 

"Yer Sir. Nabura ko na din ang lahat ng bakas na makakapagturo satin." 

"Good Job. Ano na ang lagay nila?"

"Si Ms. Kim po walang ibang ginawa kundi umiyak at yung lalaki naman po nasa operating room pa din."

"You may leave." 

Kumuha ako ng wine at isinalin ito sa glass na hawak ko, pero kaunti lamang ang iinumin ko ngayon. 

I have to reserve this wine for further celebrations.

*****

Hmmm?

Nagising ako dahil may naramdaman akong humihimas sa ulo ko. Pagdilat ko nakahiga ako sa hospital bed at nasa tabi ko si KENN!

"Kenn!" Napabangon ako agad

"Sssshh." sabi niya sabay turo kay bee na natutulog sa sofa

"Ligtas ka na.." tinignan ko siya at mukhang wala siyang galos sa katawan?? Panandalian akong pumikit at nanalangin sa kanya.. Salamat po..

"Wag mo namang pagurin ang sarili mo.. Magpahinga ka din.." hinawakan niya yung kamay ko

"Eh ikaw? Ba't bumangon kana? Hindi ka pa magaling diba?" kinapa ko yung noo niya

"Makita lang kita magaling na agad ako.." >//<

"Teka lang ha." tumakbo ako papasok ng cr at dun ko nilabas yung kilig ko >///<

Lumabas din ako agad, at nakita kong wala na si kenn dun..

"Kenn? Kenn!" kinabahan ako bigla

"Sis! Ba't ba bumangon ka agad?" nagising si bee sa pagsigaw ko

"Nasan si kenn??"

"Ha? Eh diba nasa kabilang room siya? Hindi pa daw siya gumigising hanggang ngayon eh."

"Pero kausap ko siya kanina...."

"Hay naku sis! Tumataas ang lahat ng hair ko sa body dahil jan sa sinasabi mo! Osya magpahinga ka na ulit." iniupo niya ako sa kama. Kenn.. Parang totoo yung kanina..

"Hinde. Kailangan ko siyang puntahan." tumayo na ako at tumakbo sa may pinto

"Teka sis! magpahinga ka muna!" 

Pagbukas ko ng pinto may dalawang pulis na nakatayo.

"Ikaw ba si Ms. Kim?" panimula nung isang pulis

Guns & Roses &gt;COMPLETED&lt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon