⏳ Twist 10 ⏳

12 1 0
                                    

Denise's POV

Ang saya-saya ko!!!

Hahaha. Bakit?

Kasi may new friend na ako. Una pa lang, alam ko nang makakasundo ko sya, si Catherine. And in fairness, nagawa nyang sagutin yung babaeng sa tanang buhay ko, eh hindi ko alam kung paano ko naging—arrgh! BASTA!!!

Pauwi na sana ako sa'min, kahit na ayaw ko pa kasi....BASTA ulit, nang maalala kong may assignments nga pala kami sa Math at naiwan ko ang book ko sa aking locker.

Papalapit pa lang ako sa may corridor nang makarinig ako ng tila mga nag-aaway. Hindi ko na sana papansinin nang marinig ko ang boses ng pinaka-impaktang nilalang sa balat ng lupa.

"That, is for flirting with my boyfriend!"

Agad naman akong tumakbo palapit para malaman kung ano na namang kademonyohan ang ginagawa nya.

*Pak*

"And that! Is for--uhmm--ano pa nga ba?? Hmm. Trip lang? Hahaha."

"Hahahaha!"

OH MY GOD!

"WHAT THE HELL'S GOING ON IN HERE??!" Sigaw ko. Paano ba naman kasi, kitang-kita ko kung paano nya sampalin ng pagkalakas-lakas yung babaeng 'di ko makita ang mukha. At sasabihin nya na trip nya lang manampal?!

"Oh hey! Come here twin sistah and join me! You gonna enjoy this!" Bruhilda.

"Shut up! Wag mo kong tatawaging kapatid dahil hindi ako demonya katulad mo!" Ako.

And yes. Tama po kayo ng pagkakabasa, kapatid ko sya—kambal pa nga eh, sa kasamaang palad.

"Well at least, I'm not a rebellious daughter like you! And oh! Here's your lover, he's with me in this act nga pala." Sabi nya, sabay smirk.

"Ne-neil? Ikaw rin? Ba-bakit? A-akala ko b-ba..." putol putol kong pagkakasabi. Kasi eh... Napag-usapan namin to.

"Babe... I can explain. Let me explain—" si Neil habang naglalakad palapit sa'kin. Pero pinigilan ko syang makalapit.

Tumunghay naman ang babaeng kinawawa nina Cindy at...

"Catherine?? Oh my God!" Sabay takbo ko palapit sa kanya. Lumuhod ako para makalevel ko sya. Kinuha ko ang panyo ko para punasan ang dumi nya sa mukha at ang luha nyang walang tigil sa pagtulo. Niyakap ko sya, 'di ko alintana ang nakakasuka nyang amoy.

"BWISET KA CINDY! BAKIT MO TO GINAWA HA?! GANYAN KA NA BA KASAMA HA?! AT KAYO!! ANG SASAMA NINYO! And Neil, I AM SO DISAPPOINTED WITH YOU!" sigaw ko. Oo, galit na galit ako ngayon. How dare are they to do this to Cath. They're so ruthless.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 04, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fate's Twist in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon