Duwende
@Ayieee2013's POV
Kwento ko ito Author. Alam kong ang karamihan sa makakabasa nito ay hindi maniniwala pero totoo ito.
Nung bata pa lang ako, mga 5 years old, lagi na akong nasusumpungan nila Mama na doon natutulog sa ilalim ng hagdan. Hindi ko naman alam kung bakit ako napunta doon kaya tumatanggi ako na hindi ako doon natulog at hindi ako nagpunta doon kasi sino ba namang bata ang may gusto sa dilim? Lahat naman ata ng bata ay ayaw sa madilim kaya lagi akong napapalo. Sinungaling daw ako.
Pero isang araw, may isang kababalaghan na nangyari sa akin na siyang naging sagot kung bakit ako laging napupunta sa ilalim ng hagdan.
Tanghaling tapat noon. Katatapos lang namin kumain ni Mama kaya pinatulog niya agad ako habang siya naman ay gumawa ng Palitaw na ilalako niya sa pagsapit ng hapon. Habang nagluluto daw si Mama ay bigla nalang niya akong narinig na sumisigaw sa taas.
"Ma! Ma! Tabangi ko Mama! Kwaon ko nila!" Yan daw ang malakas kong sinisigaw na ang ibig sabihin ay "Ma! Ma! Tulungan mo ako Mama! Kukunin nila ako!"
Agad daw na iniwan ni Mama ang ginagawa niya at inakyat ako sa kwarto namin sa itaas pero nanlaki nalang ang mga mata niya sa nakita. Nakalutang daw ako sa hangin at mag-isang umuusog patungo sa pintuan na para bang may nagbubuhat sa akin. Agad daw akong hinila ni Mama at itinakbo sa baba palabas ng bahay.
Kinabukasan nun ay nagpunta kami ni Mama sa albularyo at doon sinabi ng albularyo lahat.
Nagustuhan daw ako ng duwende dahil masayahin akong bata. At hindi lang daw mga duwende ang may balak na kunin ako dahil may iba pang nilalang ang nagkaka-interes sa akin. Kaya simula nun, bantay sarado na ako nila Mama. May mga nakakabit din sa aking langis, bala ng baril at parang mga maliliit na bato sa bewang. Para daw iyon sa mga engkanto.
Angelyn
Nangyari po ito nung Grade 5 ako. Sa Cavite po ako nag-aaral nun. Transferee ako that time kasi originally sa Paranaque talaga ako nag-aaral. Monday po yun. Mga 5 pm sa tantiya ko. Nagsi-uwian na yung mga kaklase ko nun at dahil isa ako sa mga cleaners, bale lima kami na cleaners nun ay nagpa-iwan kami. Sa school namin, may nakagawian sila na kapag cleaners ka that day, tutulong ka sa paglilinis sa canteen ng school niyo. So, ayun na nga, nagtakbuhan na yung mga kasama ko sa cleaners papuntang canteen. Masarap daw kasi doong maglinis kasi may mga time na nagbibigay ng mga tira tirang pagkain ang mga sirbidora kaya nag-aagawan sila dun kaya na-iwan ako sa classroom na nakatunganga. At dahil bago pa ako sa school na yun na sa tantiya ko ay mga 2 weeks pa lang ay natakot ako. Akmang lalabas na ako nun sa room nang biglang marinig ko ang malakas na lagaslas ng tubig sa CR ng room namin at mayamaya pa, narinig ko na yung tunog ng nagbabrush sa sahig ng CR. Agad akong nakahinga ng maluwag nun kasi may kasama naman pala ako at alam kong si Angelyn yun. Kasama ko si Angelyn sa cleaners at siya lang ang alam kong masipag maglinis ng CR.
Kumalma na ako nun kaya nagsimula na din akong maglinis ng classroom ng mag-isa. Madali lang namang linisin ang classroom namin. Wawalisan lang yung kalat tapos i-a-arrange ang mga upuan.
Malapit na akong matapos nun sa pag-aayos ng mga upuan nang biglang humahangos na dumating si Angelyn sabay nagtanong ng "Tapos ka na ba? Sorry ha kung iniwan ka namin. Katatapos lang pala naming maghugas sa canteen. Tulungan na kita."
As in pakiramdam ko, puputok na ang ulo ko dahil sa takot nung mga oras na yun pero ang tanging nagawa ko nalang ay ang humagulgol ng iyak dahil sa takot.
Hanggang ngayon, hindi ko pa din mawari kung sino ba talaga iyong narinig ko na naglilinis sa CR. Ilusyon ko lang ba yun o ano? Sa tingin niyo?
_END_
BINABASA MO ANG
Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KILABOT part 3! [ON GOING]
HorrorIhanda na ang sariling matakot at kilabutan dahil dito sa pangatlong yugto ng Nginig, sisiguraduhin kong manlalamig ka. Sisiguraduhin kong pagpapawisan ka. At sisiguraduhin kong pagkatapos mong basahin ito... MANINIWALA KA NANG TOTOO SILA!