44. Aalagaan kita Mehehehe

1.8K 75 11
                                    

SORRY KUNG HINDI KO NATUPAD ANG PROMISE KONG MAG UPDATE, EH KASI KAGABI ADVOCACY CONCERT NI VICE DITO MADALING ARAW NA AKONG NAKAUWI BANGAG NA BANGAG NA NGA AKO EH, KAYA ITO BABAWI AKO MEHEHEHE

Nagising si Karylle dahil na uuhaw ito, marahan niyang ibinuka ang mga mata at ang tanging nakikita lang ay ang lalaking nakatalikod na mukhang may ginagawa sa mini table.

"V-vhong... pa-paabot ng tubig.." pilit niyang binubuka ang mata dahil blurred na blurred pa yung paningin niya, marahil matagal siyang nakatulog.

Nang lumingon ang lalaking may hawak na basong punong puno ng tubig na gitla ang huli. Minabuti niyang pumikit ulit dahil gusto niyang masigurado ang nakikita, hindi siya makapaniwala nang ibuka niya na ang mga mata.

"V-vice?" Tanong nito. Akma siyang babangon pero buti nalang at naunahan siya ng lalaki at inalalayan.

"Wag ka munang bumangon.." ng marinig ni Karylle ang boses ng lalaking nagsalita biglang bumilis ang tibok ng puso niya, matagal niya ng gustong makita ito at marinig ang boses nito, matagal na siyang uhaw sa mga yakap at halik nito at ngayon na naririto na ito hindi siya makapaniwala.

"Eto tubig.. naghanda narin ako ng food for lunch, kailangan mong kumain para gumaling ka na.." inabot ng lalaki ang Baso at pinabangon si Karylle para naman maka inom ito.

"V-vice? A-anong ginagawa mo d-dito? Diba ngayon a-ang flight mo." Karylle's voice cracked nung binanggit niya ang salitang FLIGHT MO. Kaya din kasi inatake siya kanina dahil alam niyang aalis na si Vice at hindi niya na ito makikita pang muli.

Umiling naman si Vice. Pumunta siya sa table at pinagpatuloy ang paghahanda ng pagkain ni Karylle.

"I cancelled it.. kailangan mo'ko diba?" Saad ni Vice habang nakatalikod parin sa huli at patuloy sa pagtapos sa ginagawa niya.

Nilapag ni Karylle sa isang mesa ang baso at nahiga ulit. Binalot niya ang katawan niya ng kumot.

"Oo.. I'm sorry.. I need you, and i will always need you Vice.."

Matamang nakatitig si Karylle sa kisame habang hinihintay ang sagot ni Vice.

Once natapos ni Vice ang ginagawa, dinala niya ang tray at nilagay sa lap ni Karylle. Walang emosyon nitong kinuha ang kutsara at sinimulang sumandok ng kanin at ulam, pero bago pa man isubo ni Vice ang pagkain bumuntong hininga ito.

"Kumain ka muna.. balita ko kasi hindi ka kumakain ni hindi mo rin iniinom ang gamot mo, well, baguhin mo na yan ngayon.. dahil simula ngayon kakain ka na, iinom ka na ng gamot, magpapa araw ka na, maliligo ka na, magpapa inject ka na at higit sa lahat magpapagaling ka.. Life is too short to waste maraming nagmamahal sayo, do you think pag nawala ka hindi sila masasaktan?" Akmang isusubo ni Vice ang kutsarang puno ng kanin at ulam pero pinigilan ito ni Karylle.

"Are you one of them? Will you get hurt if i die?"

"Kumain ka na, hindi pwedeng hindi mo mainom ang gamot mo sa tamang oras sabi ng doctor mo. Kumain ka na." Isinubo na ni Vice ang kutsara, hindi nalang din pumalag si Karylle dahil ang importante na sa tabi niya si Vice, at hindi ito aalis sa tabi niya.

//

Minabuti ni Vhong na umuwi na muna para makapag pahinga rin naman siya, alam niya namang magiging okay si Karylle doon dahil nadodoon naman si Vice.

Bago pa man maka park si Vhong natigilan siya dahil may kotseng nakaharang sa gate niya. Bumaba si Vhong para tingnan kung sino, at ng makita nito kung sino ang nasa loob parang bumalik yung mga sakit na nararamdaman niya.

"It was nice to see you again Vhong.." saad ng babae habang pababa sa kotse. Ikiniss nito sa pisngi si Vhong at nilalaro ang tenga na para bang nag seseduce.

Me and my Possessive wifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon