A/N: Heto na talaga ang simula ng lahat :) Here's the Chapter 19! Hope you'll like it! Enjoy reading :*
Quote of the day:
• One of the most frustrating you, as a good woman, could ever find yourself in, is in a relationship with a man who makes you feel like you're still single.
********
(Play the music at the top)Jewel Krizlee's POV:
Naglalakad ako pauwi ng bahay kahit gabi na. Napatingin ako sa relo ko, 8:41 na ng gabi. Naalala ko na naman si Jayshin 'nung isang araw. Pagdilat ng mga mata ko ang kotse niya ang nakita ko. Siguro nakita niya kami ni Zack na magkasama noon kaya hindi na siya bumaba ng sasakyan para lapitan ako. Sabi niya kasi pupuntahan niya si Czian. Hindi ko naman alam na babalik din agad siya.
Naalala ko din ang sinabi kanina ni... ah wala. Naiiyak ako ng sobra at hindi ko alam kung bakit. Naramdaman kong may tumulong tubig sa balat ko. Umuulan nga. Nakikisabay ang langit sa kalungkutan ko ngayong gabi. Maganda na rin 'to. Walang makakapansin sa pag-iyak ko.
*Phone rings*
"Hello kuya?" Sagot ko.
"Where are you? Late na wala ka pa."
"Pauwi na 'ko kuya. Sige na, ibababa ko na."
"Okay. Ingat ka. Love you."
"Love you too kuya." Sabi ko at nilagay na sa bulsa ko ang phone.
Palakas ng palakas ang ulan pero wala akong pakealam. Naglalakad pa din ako sa kadiliman. Akala ko maayos na lahat. Akala ko okay na 'ko. Akala ko tapos na ang paghihirap ko. Pero may bago na naman pala 'kong problemang kinakaharap. At ang mabigat pa, hindi ko alam kung maipapanalo ko ang paglaban sa kanya. Naiinis ako sa kahinaan ko! Ang hina-hina ko!
Tumigil ako sa paglalakad sa gitna ng kalsada. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko at umiyak ng umiyak. Nahihirapan na 'ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ayoko. Natatakot ako. Natatakot ako... ng sobra.
"Hanggang kailan ka ba iiyak?" Naramdaman kong may yumakap sakin. At lalo akong naiyak nang marinig ko ang boses niya.
Niyakap niya ko ng mahigpit. At umiyak nalang ako ng umiyak sa dibdib niya habang umuulan. Niyakap niya 'ko na para bang sinasabi niya sakin na, 'Sige, umiyak ka lang. Nandito lang ako para sayo.' Isang yakap na nakapagpahina sa sistema ko.
"Ayoko... Jayshin... ayoko." Iyak ko.
"Hanggang kailan ka ba iiyak ha? Nasasaktan din ako pag nakikita kitang ganyan." Sabi niya habang yakap-yakap pa rin ako.
"Natatakot ako *sob* Jayshin... Ayoko. Natatakot ako." Ulit ko.
"Ssshh. Hindi ko alam kung ano ang kinatatakot mo. Pero Jewel.., nandito lang naman ako para sayo." Sabi niya at hinalikan ang buhok ko.
"Duwag ako. Mahina ako. Pero.., bakit ako pa? Marami namang iba diyan diba?"
"Tahan na. Sshh."
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanilang lahat. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam hanggang kailan. Kasi nasasaktan ako ng sobra. At natatakot ako. Paano ko haharapin 'yun ng mag-isa?
>> Fast forward
Czian Jasshia's POV:
"Hanggang kailan mo balak magsinungaling sakin Czian?" Tanong ni Jayshin.
"Jayshin..."
"Hanggang kailan mo 'ko pagmumukhaing tanga!? Hanggang kailan?!!" Sigaw niya sakin na siyang ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
Memories of the Past (One Liter of Tears)
Teen FictionHow would he bring back all their memories of the past if he's the reason why she forgot everything? Does he deserve a second chance to make all his doings and decisions right? Would she give another chance? Would she accept his love again? Let's re...