Dear Kuya,

736 11 0
                                    

     Bago ko ikwento ang aking
mga karanasan sa aking buhay , gusto kong kilalanin niyo muna ako. Ako ay isang babaeng nagmula sa Malaking Pamilya , gayunpaman hindi naging laging masaya ang aking naging karanasan. Tawagin niyo nalang akong Bera, Labingwalong taon na ako.

--------

     Kung ilalarawan ko ang
aking sarili , isa akong simpleng babae . Medyo matangkad , katamtaman ang kulay , meron akong mahaba at tuwid na buhok. At kung ako tatanungin ..... Aaminin kong hindi ako nagagandahan sa aking sarili. Meron akong ngiping tila isang instruction sa isang pagsusulit (Fill in the blanks-   One seat apart) , Para sa akin isa akong pangit na babae.

---------

         Mahirap maging ako , bukod sa kapangitan ko ... Mayroon akong kapatid na lalake na sukdulan ang galit sa akin. At siya ang dahilan kung bakit unti-unti natutunaw na parang kandila ang tiwala ko sa aking sarili.

---------
           Alam mo ba ang pakiramdam ng gusto mong lumaban ngunit hindi mo magawa ?
Alam mo ba ang pakiramdam nang araw-araw kang pinapaiyak at sinasaktan nang iyong sarili kapatid ?  Nang iyong sarili kuya ? Na dapat siyang karamay at sandalan mo sa mga panahong parang gusto mo ng sumuko?
       Napakasakit  isiping
sarili mong kadugo ang siyang mananakit sayo. Batok dito, siko diyan. Mura dito, pangbwibwisit diyan. Siya ang laging sanhi nang aking pag-iyak. Isa akong taong madaling masaktan at mababaw ang kaligayahan. Isa akong parang bagay n kailangan mong ingatan dahil madaling nababasag..... isa akong taong mahina.

Dear KuyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon