Mag-iisang taon na mula ng hindi ko sila nakita, ako mismo ang nagdesisyon na lumayo. Ang layuan siya. Pumunta ako sa lugar na walang nakakakilala sa akin, hindi ko pinagsabi kung nasaan ako kahit na sa mga matatalik kong kaibigan at sa sarili kong pamilya. Alam kong nag-aalala sila ngunit alam ko na naiintindihan nila kung bakit ito ginagwa at piniling magpakalayo.
Sa paglayo ko, ang dami kong naranasan at nalaman. Mahirap pala ang mag-isa. Talaga nga hindi ginawa ang tao para mag-isa at mamuhay na mag-isa subalit masarap at masaya sa pakiramdam dahil walang pipigil sa mga nais mong gawin, walang manghuhusga mula sa mga taong nakapaligigd sa iyo - tulad ng naranasan ko. Ibang iba ito sa lugar na kung saan ako lumaki, sa lugar na kung saan ako nasanay, napakasimple ng pamumuhay, hindi uso ang materyal na bagay tulad ng mga bagay na isang sabi ko lang ay nariyan agad sa aking tabi. Sa lugar na ito nakilala ko si Manang Loling, 65 na taong gulang at maligaya pa rin silang nagsasama ni Lolo Ondoy, kahit medyo makakalimutin na dulot na rin ng katandaan. Kasama nila ang kanilang mga anak at makukulit ngunit masasayahing mga apo. Sila ang naging pamilya ko dito. Naibigay at naipadama nila sa akin ang tunay na kahulugan ng salitang pamilya. Pamilya na masaya, pamilya na sama-sama, pamilya na iniintindi ang bawat isa. Naikwento nga sa akin ni Manang Loling na noong mag-nobyo pa sila ni Lolo Ondoy, ayaw ng tatay niya sa kanilang relasyon. "Walang magandang kinabukasan ang maibibgay sayo ang lalaking iyan", sabi ng tatay ni Manang Loling. Aminado si Manang Loling na hindi ito ang buhay na nais niya ngunit aanuhin niya ang karangyaan kung hindi naman si Lolo Ondoy ang kanyang kasama, masaya siya sa piling nito at yun ang tunay na kayamanan na hindi makita ng kanyang ama.
Sa tagal kong nilagi sa lugar na ito, pagtinitingnan ko ang mga bituin sa ulap naiisip ko ang mga tao na naiwan ko, napapaluha ako kapag naiisip ko sila- siya. Gusto kong bumalik ngunit ang hirap. Ang hirap at ang sakit. Ang daming katanungan sa aking isipan na maaaring ako lang ang nakakaalam ng kasagutan at alam kong ako ang may kasalanan. Hindi ko alam kung bakit sumagi sa aking isipan ang mga bagay na iyon, masaya na ako sa lugar na ito, gusto ko na dito mamalagi ngunit ang tanong kaya ko ba talaga? .Nang may biglang kamay na humawak sa aking balikat, nakangiti siya sa akin,suot niya ang matatamis na ngiti na may pagmamahal at sabay niyang winika, "Alam ko na masaya ka na rito at gayundin naman kami. Napakaganda mong babae, mukhang di sanay sa hirap kaya naman laking gulat naming ika'y mapadpad sa aming lugar, masaya kami dahil pantay ang turing mo sa amin. Sa tuwing nakikita kitang nakikipaglaro at nakikisama sa iba at habang ikaw ay nakangiti, napakagandang pagmasdan ng iyong mga ngiti at saya sa iyong mga matai. Subalit kapag ikaw ay mag-isa ang mababakas ay ang kalungkutang sakit sa iyong nakaraan." Huminto sandali si Manang Loling. "doon ko nalaman ang iyong problema kung bakit ang isang dalagang tulad mo ay napadpad dito, bakit namin pinaglaban ang aming pagmamahalan? Dahil siya ang aking mahal, siya ang nagpapasaya sa akin. Oo nga't may mga hadlangngunit dahil lang ba dun ay susuko ka na? Paano pa ang mas malalang problema na iyong pagdadaanan at inyong pagdadaanan na magkasama?"
Naging napakalaking tanong nito sa aking isipan. Ngayon nandito ako, nakaupo, mabilis ang pintig ng aking puso na marahil maya't maya ay sasabog. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari, masaya... dahil makikita ko na siya. Ngunit paano kung sa loob ng isang taon ay nagbago na ang kanyang nararamdaman. Paano na nga ba ang landas na aking tinatahak patungo sa tunay na kaligayahan?
