Chapter 19

181 15 0
                                    

Third Person's POV

Mrs. Brownyn salamat po at sumagot na kayo nakahingang maluwag na sabi ni Isabel, kanina niya pa kasi tinatawagan ang parents ni Hadlee pero nakakailang dialed na siya sa personal number nito at sa landline ng bahay na tinitirhan ng mag-asawa sa Korea pero ngayon lang nasagot nang mga ito, di rin naman niya pwedeng tawagan ang office landline nito kasi exclusive lang ito para sa mga clients nang kompanya at di niya rin alam ang numero nito.

Mabilis namang kinabahan si Mrs. Brownyn dahil sa tono ng boses ng katulong, kaya nailapag niya agad ang ballpen na hawak niya na ginagamit niya sa pagpirma ng mga report ng applicants niya, kaya di niya rin napansin na kanina pa pala tumatawag ang katulong.

Bakit Isabel? May problema ba diyan? Ang anak ko kamusta na? May nangyari ba sa kanya? Bakit kasi di niyo ko kinokontak nung nakaraang araw, kinakabahan na ako dito Isabel, anong nangyari? Paikot-ikot nang sabi ni Mrs. Brownyn, di niya na kasi naiwasang mapatayo kanina.

Pasensya na po Mrs. Brownyn pero nandito po kami ngayon sa hospital, inatake po siya bigla kanina, tsaka mas lumala po yung pagseizure niya, at hanggang ngayon po di pa rin siya inilalabas sa Emergency room, kahit daw po yung pain killer na tinuturok sa kanya ayaw nang gumana, na dapat in 3 minutes lang effective na, kahit po yung pampatulog ayaw din, actually nahimatay po siya kanina pero nagising din agad at umiiyak po sa sobrang sakit daw po ng ulo niya, Maam nag-alala na po kami dito para kay Hadlee naiiyak nang sabi ni Isabel, hindi naman yun kinaya ni Mrs. Brownyn at napahagulhol na lang habang kausap ang katulong.

Jusko ang anak ko, si Dr. Oh tinawagan niyo na ba? Kung hindi pa ako na bahalang kumontak sa kanya, nakikiusap lang ako, kayo na muna bahala diyan, magpapabook ng kami ng ticket ngayon ng Sir Christian niyo, oh my gosh! I'm worried, di ko yata kakayaning magbyahe while thinking of what happened at her, always update me Isabel please umiiyak pa ring sabi ni Mrs. Brownyn, tumango tango naman si Isabel kahit wala sa harapan niya ang amo.

Di naman niya nagawa pang sumagot nang bigla nang ibaba ng amo ang call, nanghihina naman siyang umupo sa tabi ni Mang Johnny na tahimik lang na nakaupo sa isang bench malapit sa may Emergency room.

Napatingin naman sila ng sabay sa pinto ng emergency room kung nasan si Hadlee, di pa rin lumalabas yung doctor na nag-asikaso sa dalaga, yung nurse lang yung nakausap nila kanina, dumoble naman yung kaba nila nang marinig nila yung tili ni Hadlee, halatang halata dito na nasasaktan siya.

Kaya di naman maiwasan ni Isabel na maiyak na rin, awang-awa siya sa alaga niya, sobra siyang nasasaktan para dito, naging katulong siya ng pamilyang Brownyn nung bumalik sila sa Pilipinas galing Korea, kaya di niya alam na may ganung sakit pala ang dalaga dahil wala namang nababanggit sa loob ng mansion.

At ngayon niya lang nakita nang ganun si Hadlee, lagi kasi itong nakangiti, di katulad ngayon na halos peke lang lahat, at lahat halos ng katulong sa mansion nakikita yung pagbabago niya, siguro iniisip nito na walang nakakapansin sa kanya pero di niya alam naaawa na sila dito, pero nakatutuwa din kasi nakikita nilang pilit na lumalaban ang dalaga sa sakit niya kahit mahirap.

Sobrang nakakaawa ang batang iyan, napakabait pa naman, di ko mawari kung bakit siya pa nabigyan ng sakit na yan, eh samantalang ang daming masasamang tao diyan, ako ang nasasaktan kapag nakikita ko siyang nagkakaganyan eh, parang nararamdaman ko din yung mga paghihirap niya mahinang sabi ni Mang Johnny, napatingin naman agad si Isabel dito at napabuntong hininga lang.

Matagal nang personal driver nang pamilyang Adamson, pamilya ni Mrs. Wendy Adamson - Brownyn, si Mang Johnny, kahit di ito nakapagtapos kahit elementary, sobrang pinagkatiwalaan nila ito, highschool pa lang si Mrs. Brownyn ito na ang driver nila, di na nga nito nagawa pang mag-asawa, tumanda na lang itong solo lang sa buhay.

I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon