Hadlee's POV
Tinutulungan ko ngayong magluto si Ate Isabel, ngayon kasi yung dating nila Shiloh together with his members, sinundo na sila ni Mang Johnny sa airport, may van naman sila actually kaso pinacancel na yun ng magaling kong pinsan at yung driver namin yung ginambala niya.
Wala namang problema dun actually, ang kaso lang pati yung ibang activities na kailangan nilang gawin pagdating nila dito sa Philippines is kinansel nila, I heard pa na nakiusap pa si Shiloh kila mommy para sila mommy na yung kumausap sa manager nila na payagan silang magstay dito sa bahay.
And dahil si Shiloh rin yung leader kaya yung mga members niya sumusunod na lang sa mga sinasabi niya, a typical attitude of our family.
Actually, never ko pang namimeet yung mga kagroup niya, kinukwento lang sila sakin ni Shiloh, pero napapanood ko naman sila in video or in television but never pa akong umattend sa kahit anong concert nila, di rin kasi ako pinapayagan nila mommy kahit pa minsan si Shiloh yung nagpapaalam para sakin, di daw kasi namin sure baka daw biglang atakihin ako ng sakit ko.
And about his relationship with Seana, naging sila dahil sa pagbisi-bisita ni Seana sa SM Ent. andun kasi yung kapatid niya na kagroup nila Ate Teisha, leader of the group, snsd and one of my cousin too.
Nagulat nga ako nun na sila na, and of course mas lalong nagulat si Seana ng sabihin kong pinsan ko yung boyfriend niya, di kasi ako palakwento sa kanila noon kaya di nila kilala kung sino-sino yung mga karelatives ko.
Binibiro ko pa nga sila noon na gagawa ako ng fanclub nilang dalawa as a couple pero bago ko pa magawa yun, marami na ring gumawa para sa kanila, Shiloh's fans love them together, konti lang siguro yung mga against sa kanilang dalawa.
Hadlee magready ka na, kami na bahala dito, malamang parating na yung sila Shiloh baka maabutan ka pa nilang ganyan ang itsura mo, hayaan mo na kami dito Ate Isabel said habang piniprepare yung fruit salad na favorite naming dalawa ni Shiloh.
Yan yung favorite naming lantakan ni Shiloh kapag bumibisita siya dito dati sa bahay lalo na nung trainee pa lang siya at di pa sila nagdedebut, di pa kasi hassle sa schedule niya yun dati but for now? Halos di na kami nakakapag-usap, kapag may family reunion na nga lang yata kami nakakapag-usap with my other cousins.
I even remembered na sabay kaming nagcrave ni Shiloh nun sa salad pero walang stock na ingredients for salad sa bahay nila nun, nag-away kaming dalawa dahil dun, and nung malaman yun nila tita, parents ni Shiloh, natatawa na lang sila habang inuutusan yung mga katulong na ipaggrocery kami, we were both young that time kaya kung ano-ano lang yung pinag-aawayan namin.
Pero ngayon? I'm not sure kung masasabayan ko pa si Shiloh sa pag-kain nang mga gusto naming dalawa.
Sige po Ate Isabel, maiwan ko na po kayo ah, pakidamihan rin po pala niyang salad baka magustuhan din yan ng mga members ni Pandak I said tsaka ako lumapit sa sink at naghugas ng kamay.
Pandak, that's what I called to Shiloh, mas matangkad kasi ako sa kanya kaya yan din madalas yung pang-asar ko sa kanya, and he called me giant baby.
February 12 na ngayon and now is saturday, so sa monday na yung Academy week, and yung ibang idols bukas pa yung dating dito sa Philippines, and I heard na ioopen yung school for some outsiders.
Patakbo naman akong umakyat sa 2nd floor, I even heard yung pagsaway sakin ni Ate Isabel, I can't help to be excited, I missed Shiloh kahit madalas kaming mag-away nun.
Halos mag-iisang oras rin akong nasa loob ng banyo, medyo sumakit kasi yung ulo ko, dahil siguro sa pagtakbo ko.
Kumuha naman ako sa wardrobe nang isang tight jeans, hanging dress tsaka flat shoes, nandito lang naman sa bahay kaya di ko na kailangang mag-ayos pa, tinanggal ko naman sa paa ko yung bracelet at nilagay muna yun sa may vanity table ko kasi hassle yun sa jeans ko.
BINABASA MO ANG
I'm A Kontrabida of My Own Story ( COMPLETED )
RandomHighest rank: #469 in Random Category ---------------------------------------------------------------------------------- At first, I only thought that the only problem about our relationship is your bestfriend. I always jealous of her, I always beca...