ONE SHOT feat. Cliché

234 16 20
                                    

CLOSEFRIEND

“Yaamoooooooot!”

Solid. =_= tengene. Ang aga aga ah! I continued walking. Take note! 6:15 am pa lang dito sa school, ang lakas lakas na ng boses nya.

Binilisan ko nalang maglakad para di ako maabutan ng kumag na yon kaso…

“YAAAAMOOOOOOOOOOTT!!!!”

Tangshet! Pakshet! Da heckk????! Ang ingaaaaaaaaayyy!!! Baka mapatawag pa kame neto sa Students Affairs Office dahil sa kaingayan nyaaa!!! Okay halata bang high blood na ko :))

“Anooo ba yooon?!! Tangshet! Ang aga aga mo Juan ah!!” bwiset di ba? Sino ba naman ang di mag-iinit ang ulo jan di ba???

“ikaw kase. Ayaw mong lumingon.” Sabe nya pagkalapit nya saken. Sabay kurot nya sa ilong ko.

“Pakshet. Tigilan mo nga ako. Ang ingay ingay mo. Mamaya may prof pa na humuli saten. Lagot ka talaga saken!” sabay tapik ko ng kamay nya. Tapos naglakad na kame papunta sa quadrangle.

“Alam mo ba Mara…” biglang seryoso ng tono ng boses nya.

Alam ko na to. =______=  Haaaaay. Naman oh.

“oh. Anyare?”

“Si Nicole. Nagaway kame kagabe.” Alam ko. Kwinento na saken ni Nicole. Pero hinayaan ko lang sya na magkwento…about things between them, pano sila nagaway, saan nagsimula and how he wanted to break the face of that guy, Jazz, na kinaseselosan nya ng bigtime.

Si Nicole, pinagsabihan na namen sya. She’s getting way overboard na kase. Para bang di pa nya alam na sobrang seloso ng boyfriend nya, pero ayun! Gora pa din sya.

Nahihirapan ako sa kanila. Nagseselos ako kay Nicole.

Sobra.

Kase yung taong matagal ko ng pinaghihirapan na magustuhan ako, mapansin ako kahit minsan lang, makuha ko yung atensyon, sa isang iglap lang eh nakuha na nya. Kinaiinggitan ko sya, inaamin ko yun sa sarili ko, alam ko kase kung anong mga meron sya na wala ako, na minahal ni John sa kanya, na parang binabalewala na nya.

Nasasaktan si John. At nasasaktan akong makita syang ganyan.

I was silent habang tuloy lang si John kakakwento tungkol kay Jazz. Tumahimik na den sya pagkatapos.

“Ano ng gagawen mo nyan?” inosente kong tanong kahit alam ko na yung gagawin nya.

“Sa ngayon…wala pa? siguro wala pa?...Magso-sorry sa kanya?...”

“Ano?!” alam kong tanga ako for asking that, pero mas tanga tong kausap ko. Gash. I can’t believe him! “Bat ka magso-sorry?? Shunga ka ba??”

“Alam kong ganyan ang ire-react mo. Pero kase, mahal ko ehh. Ayoko syang mawala. Ayoko talaga Mara. Alam mo yan.” Psh. Ano pa bang magagawa ko? Inirapan ko nalang sya tapos nanahimik ako.

“Salamat Mara ha.” Tumango nalang ako as an answer. Ganito na kame for almost 6 months na. pag may problema, papapasukin nya ko ng maaga para lang maglabas ng sama ng loob.

Maya-maya pa nakita ko syang gulat pagtinging nya sa relos nya.

“Ohh. Fu..!” di nya tinuloy yung mura nya. Psh. Ako lang naman kase ang dakilang nagmumura samen =_=

“Mara, tara na! 6:50 na pala!! Dali! Baka malate na tayo nyan!!” tumayo na sya, aktong ready to go ba.

“Una ka na. may inuutos pa nga pala saken si Mam Calabra.”

“Ehh bakit di mo agad sinabe? Sana yun na inuna naten. Baka malate pa tayo nyan!”

“Ano ka ba? Kaya nga sabe ko sayo, una ka na eh. Tsaka ako lang kase ang inexcuse ni mam na malate sa first subject naten. Haha! Peace. Gora ka na! Go get your girl!” sabay tulak ko sa kanya para umalis na sya.

“Sige..Salamat ng napakarami MARA!!!!! Yamoooot!!! Byieee! Kitakits maya!” I waved at him as signal to continue walking.

Andun lang ako nakaupo. Nakatingin sa kanya habang papalayo. Ganun lang ako for almost 1 year and 6 months na. Hanggang tingin na lang. Never nasabe kung ano yung nararamdaman ko. Lagi lang nakikinig sa nararamdaman nya, na kailan man di magiging tungkol saken.

Di ko napansin, lumuluha na pala ako. Pupunasan ko na sana yung luha ko ng may mag-abot ng panyo saken.

“Umiiyak ka na naman dahil sa kanya.”

Nagulat ako, swear. Di ko alam kung matatakot ako o matutuwa sa kanya dahil inabutan nya ko ng panyo ehh. Bago pa ko makapag-react, umalis na sya.

Andaming gumugulo ngayon sa isip ko. Pano nya nalamang si Juan yung iniiyakan ko? Pano nya nalamang lagi akong ganto over him? At sa lahat ng tanong na yon…Sino siya? Leche. Di ko siya kilala…Makikilala ko pa ba sya?

-fin.

ONE SHOT feat. ClichéTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon